Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Niyugan inararo 7 patay, 20 grabe (Trak nawalan ng preno)

TODAS ang pito katao at sugatan ang 20 pang biktima nang mawalan ng preno ang sinasakyang trak na bumangga sa mga puno ng niyog sa Linamon, Lanao Del Norte, nitong Sabado.

Agad binawian ng buhay ang apat na sina Rasmiya Didaagun, 25, kapatid niyang si Jaon, 12; Noraima Pundag, 22; at Mabul Obing, 35; habang namatay sa ospital sina Amarodin Linang, Abdul Rashid Hasan, at Moaday Sanairay.

Sa ulat ng Linamon PNP, sakay ng assembled truck na minamaneho ni Abdul Azis Baro, ang mga biktima nang mawalan ng preno dahilan upang bumangga sa mga puno ng niyog.

Pauwi na sana sa Munai, Lanao del Norte galing sa isang vigil sa ilang kaanak sa Wato, Lanao del Sur ang mga biktima nang maganap ang insidente sa Matungo Provincila Road, Linamon, Lanao del Norte.

Ang driver na si Baro, kabilang sa 20 nasugatan, ay nasa malubhang kondisyon.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …