Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian sinorpresa ng marriage proposal ni Dingdong (Paro-paro, malaking parte sa relasyong Marian at Dingdong)

081214 marian rivera dingdong dantes

ni Cesar Pambid

SINORPRESA ni Dingdong Dantes si Marian Rivera nang alukin nito ng kasal national television ang aktres.

Present sa okasyon ang pamilya ng dalawa. Kumbidado rin sa naturang event ang maraming Dongyan fans na nagtitilian dahil sa kilig.

Nauna rito, inintriga pa ng programa ang publiko sa pamamagitang ng mahabang anunsiyo sa pamamagitan ng hash tag na #lastdance.

Opisyal na ngang fiancee ni Dingdong si Marian. Yes, nagpahayag na ng kagustuhang pakasalan ni Dingdong ang kung ilang taon niyang katipan.

Sa huling segment ng show, inalala nina Dingdong at Marian ang ilang mahahalagang kaganapan ng kanilang relasyon kasama ang ilang kaarawan nilang dalawa.

Pati na ‘yung travel nila sa USA at ‘yung pagdadala ni Dingdong kay Marian, kasama ang pamilya sa isang butterfly garden sa Macau.

Ayon kay Dingdong special kay Marian ang mga paro-paro kung kaya roon niya ito dinala.

Sa puntong ito, marami pang inalala si Dingdong na ikinatulo ng luha dahil sa kaligayahan ni Marian.

At bago lumuhod si Dingdong upang opisyal na ipahayag ang nilalaman ng kanyang puso, sinabi ni Dingdong na mahal na mahal niya si Marian kaya’t lalong napaiyak ang aktres.

Sa kanyang pagluhod naglitanya pa ng mga pangungusap ng pagmamahal si D|indong, “dahil ikaw ang babaeng nagpaligaya sa akin ng mahabang panahon, dahil ikaw ang babaeng ibinigay Niya sa akin, dahil ikaw ang sagot sa aking mga dasal na sana, tunay na magmahal sa akin, ikaw na talaga ang taong gusto kong makasama habambuhay,” at saka kinuha ang singsing sa bulsa, inialay kay Marian at sabay sabing “will you be my wife?”

Matapos ang proposal, kinausap naman ng host na si Paolo Ballesteros ang mga nanay ng dalawa, pati na ang lola ni Marian kung ano ba ng kanilang naramdaman.

“Salamat sa pagpapaligaya mo sa aking anak,” sabi ni Mrs. Dantes.  “Kung saan masaya ang anak ko, roon ako,” sabi naman ng nanay ni Marian. “Bigyan n’yo na ako ng mga apo,”pahayag naman ni lola.

Towards the end of the show, nakunan pa ng mensahe ang Spanish dad ni Marian na nagpahayag ng consent sa katagang Espanol.

Ito naman ang naging pahayag ni Marian, “salamat sa tunay mong pagmamahal, salamat, nakahanda na ako, bibigyan kita ng maraming anak, kahit ilan ang gusto mo, lumaki man ang katawan ko, wala akong pakialam basta maibigay ko ang kaligayhan mo!”

“Is that a yes?” pakli ni Dingdong, tumango lang si Marian na tumutulo ang luha at saka sila nagyakap nang mahigpit.

“Ngayon siguro, naiintindihan na ninyo kung bakit nagpa-tattoo ako ng paro-paro sa likod ko, dahil sa paro-paro, we became united!” huling salita pa ni Marian.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …