AYON sa sinaunang Romanong manggagamot na si Aulus Cornelius Celsus, “Mamuhay kayo sa kwartong puno ng liwanag.” Si Celsus ay doktor at author na nagsulong ng diet, exercise, massage at natural healing.
Ang kahalagahan ng pamumuhay sa kwartong puno ng liwanag ay pilosopiyang ibinahagi ng sinaunang Chinese na gumamit ng Feng Shui para sa magandang swerte – at ito ay umuubra pa rin hanggang ngayon.
Paano ka mamumuhay sa kwartong puno ng liwanag, physically and metaphorically?
*Pumili ng maliwanag at makukulay na ilaw para sa dingding ng bahay, lalo na sa entryway. Ang maliwanag na entryway na pinintahan ng tones ng eggshell white, beige or pastels ay makatutulong sa pagsalubong sa oportunidad sa iyong bahay at buhay.
*Samantalahin ang natural light. Buksan ang blinds sa south-facing windows sa umaga upang masalubong ang natural sunlight. Higit kang magigising at handang harapin ang ano mang hamon ng araw.
*Palakasin ang specific trigrams ng Ba Gua, gayundin ang hagdanan at iyong entrance, ng LED lighting. Ang recessed LED lighting ay nagbibigay ng bright glow ngunit matipid sa koryente kaysa incandescent bulbs.
*Ikonsidera ang pagkakabit ng ilaw sa motion sensor upang sa iyong pagdating ito ay magliliwanag sa dakong gabi. Agad mong mararamdaman na ikaw ay welcome sa iyong bahay – gayundin ang mga bisita – na magbubuo ng positibong chi sa kapaligiran.
*Mamuhay sa sandali. Ang pamumuhay sa “rooms full of light” ay hindi lamang tungkol sa pagbubuo ng maliwanag na kapaligiran sa iyong bahay. Mamuhay nang bukas ang isipan upang iyong makita ang mga oportunidad at maging handa sa pagtanggap sa mga ito upang mapagbuti ang iyong buhay.
Lady Choi