Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kumusta Ka Ligaya (Ika-16 labas)

00 ligaya

NAGTIIM ANG MGA BAGANG NI DONDON NANG MATAGPUAN SI LIGAYA SA ISANG LUGAR NA ‘DI NIYA INAASAHAN

Pinagbigyan niya ang kasamang runner-alalay. Pamaya-maya lang ay lumabas na sa backstage ang sexy dancer. Aninag ang buong katawan nito sa suot na pagkanipis-nipis na negligee, umiindak-indaw sa tiempo ng isang maharot na tugtugin at kasabay niyon ang paghuhubad ng mga kasuotan. Unang nalaglag sa sahig ng stage ang kulay pink na negligee. Sa simula ay patalikod itong kumekembot-kembot at nagpainda-indayog ng mga balakang.

Unti-unting humaharap sa pagsayaw-sayaw ang sexy dancer sa mga kalalakihang manonood. Dumalas tuloy ang pagtungga sa beer ng karamihan. May napatakam sa pananabik. Tulo-laway naman ang iba sa pagnganga. Mayroon pang napasipol. Pero ang lahat ay walang kakurap-kurap at kandaluwa pa ang mga mata sa pinakahihintay na makita.

Pumatong sa ibabaw ng negligee ang kulay itim na bra ng sexy dancer. Kulay itim na string bikini panty ang sumunod. Pag-harap sa mga manonood ay nakatakip ang mga kamay nito sa maseselang bahagi ng pagiging isang eba. Pero konti pang kayog at kembot ng mga balakang ay todo-ngiti na itong nagbuyangyang ng sarili. Umalog-alog ang malulusog na tayong-tayong mga boobs sa pagyugyog ng mahubog na katawan. At sa manaka-nakang pagbuka-bukaka sa pag-indak ay tila kusa nang ipinasisilip sa mga kalalakihan ang simbolo ng pagkababae ng sexy dancer.

Sa halip na masiyahan sa panoorin ay parang matinding bayo sa dibdib ang naramdaman ni Dondon. Napayuko siya at napatiim-bagang. Gustong-gusto na niyang magwala sa biglaang pagkasuklam sa mundo.

“Siya si Joy, Bossing… Siya ‘yung sina-sabi kong pinaka-superstar sa mga kababaihan dito,” pagngunguso sa kanya ni Popeye sa sexy dancer.

Inilihim ni Dondon sa kanyang bata-batang runner-alalay na ang sexy dancer ay ang pinaghahanap niyang si Ligaya.

“Sige, Popsie… Dalhin mo siya sa akin mamaya sa VIP room,” ang bilin niya sa kasama.

Dim light sa loob ng VIP cubicle. Doon inihatid kay Dondon si Ligaya ni Popeye na kumuha rin ng GRO na makaka-partner sa isa pang cubicle. . Hindi agad siya nakilala ng dating nobya. Naupo ito sa kanyang tabi. Umorder siya sa waiter ng pulutan at ladies drink. Namulupot agad ang bisig nito sa leeg niya.

“Joy ang pangalan ko…” pagpapakilala sa kanya ni Ligaya sa alyas na pangalan. “Ikaw?” (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …