Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Talentadong couple na sina Robin at Mariel swak na host ng “Talentadong Pinoy”

080314 robin mariel

ni Peter Ledesma

ISANG malaking factor kung bakit nagtagal si Robin Padilla sa industriya at hanggang ngayon ay napanatili ang estado ng kanyang career, kasi marespetong tao si Binoe lalo na sa mga kasamahan sa industriya.

Kaya bago nila tinanggap ng misis na si Mariel Rodriguez ang alok ng TV 5 para maging bagong host ng new season ng Talentadong Pinoy na magsisimula nang umere sa August 16 sa Kapatid network, inalam raw muna talaga ni Binoe kung wala silang matatapakan ni Mariel.

Aware naman kasi ang action superstar/TV host at ang marami na kay Ryan talaga nagsimula ang Talentadong Pinoy na matagal na panahon nagsilbing host ng naturang talent search show.

Nang hindi pumuwede si Ryan, kay Willie naman ini-offer ng management pero may ilang bagay yatang hindi napagkasunduan hanggang napunta na nga sa mag-asawang Binoe at Mariel na tinatawag ngayong Talentadong couple. Narito ang pahayag ni Binoe bilang pagrespeto niya kina Ryan at Willie.

“Siyempre ‘yun ang una kong inalam ayokong may masasagasaan tinanong ko agad kung ano ang nangyari kay Ryan, tapos ‘yung pangalawa ay ‘yung pinag-usapan kay Willie bago ko tinanggap,” sabi pa ni Binoe nang mainterview sila ng mga reporter during their photo shoot para sa show.

Sa tanong naman kung hindi ba sila nape-pressure ngayon ni Mariel na galing kay Ryan ang show at naging matagumpay ito. “Ang lahat ng bagay dito sa mundo, kung ano ang ikaloob ng Panginoong Diyos, ‘yun ako, hindi ako mape-pressure.

Basta ibibigay namin ni Mariel ang 100%. Sasamahan namin ng dasal kung anuman ang mangyari e, ‘yun ang kaloob eh!

“At ako naman hindi namin masasabi na amin ni Mariel ang show. Sa ngayon kami ang tatayong host, hindi natin alam kung babalik si Ryan o mapupunta rin kay Willie (Revillame), hindi natin alam e. Sa ngayon ay kami ang host na gagawing bida ‘yung mga talentadong Pinoy. Basta gagawin namin ang the best namin,” sey pa ni Binoe.

Naku sa galing ni Mariel mag-host at sa dami ng fans ni Robin around the Philippines ay tiyak na ang pagpatok ng show.

101% agree much naman gyud!

“IKAW LAMANG,” PATINDI NANG PATINDI! NAPANATILI ANG PAGIGING NUMBER ONE! KALABANG PROGRAMA,‘DI MAKAHABOL!

Napanatili pa rin ng Ikaw Lamang ang pagiging number one program in Primetime television nationwide.

Base sa pinakabagong data mula sa Kantar, nag-poste ng 30.7% rating ang Ikaw Lamang laban sa 16.8 ng My Destiny.

Sa transition ng kuwento ng Ikaw Lamang, mga de-kalibreng aktor at aktres ang magpapatuloy ng kuwento nito.

Kasama na cast sina Christopher de Leon, Amy Austria, Rio Locsin, Nonie Buencamino at Joel Torre. Si Kim Chiu ay gaganap bilang Andrea, si Coco Martin bilang Gabriel at si KC Concepcion bilang Natalia.

Kasama rin ang mga bagong karakter na gagampanan nin Smokey Manalo, Arlene Muhlach, Jojit Lorenzo, Alora Sasam at Mylene Dizon.

Bukod sa mataas na rating, umaani rin ng papuri ang Ikaw Lamang bilang isa sa pinakamagandang teleserye sa kasaysayan ng Philippine television.

Kamakailan, ang Ikaw Lamang ang itinanghal na Teleserye of the Year sa online poll ng Yahoo OMG Celebrity Awards 2014. Nagkamit naman ng Best Actor at Best Actress Award sina Coco at Kim at si Jake Cuenca na itinanghal na Kontrabida of The Year.

FHHM WEEKLY WINNER SA EAT BULAGA MALA-LOVI POE AT ANDI EIGENMANN ANG BEAUTY

Last Saturday sa first weekly finals ng bagong pakontes sa Eat Bulaga na FHHM o For Healthy & Heavy Models Only, nag-tie ang dalawang contestant at pareho nilang deserved to win dahil kahit big sila o heavy weight ay artistahin ang mga dating at ang talent parang mga professional artist kung mag-perform.

Honestly, wala talagang itulak kabigin ang mga judges sa anim na nag-compete na sina Contestant No. 1 Fona Biege Elorde ng San Juan, Contestant No. 2 Andrea Ann Gomez of Laloma Quezon City, Contestant No. 3 Serri Ann B. Crisostomo of Quezon City, Contestant No. 4 Hanna Beatrix Duque ng Malanday, Marikina City, Contestant No. 5 Mikaela T. Puzon ng Balanga, Bataan at mula sa Malolos, Bulacan na si Contestant No. 6 Catherine De Villaluz.

Si Andrea Ann Gomez na pinaghalong Lovi Poe at Andi Eigenmann ang beauty ang isa sa waging weekly finalist. At kaaliw si Aleng Maliit Ryzza Mae na bigla na lang bumubulaga sa loob ng salamin na Q & A ng bagong Beauty Pageant na Big in Beauty, Big in Talent and Big in Confidence.

Para sa daily winner ay P20K ang cash prize na pwedeng maiuwi. Kaya kung feeling mo, may karapatan ka para maging isa sa FHHM Beauty ng Bulaga aba’y join ka na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …