MATAPOS magpatupad ng dagdag presyo nitong nakaraang Linggo, nagbababa ng presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis, ipinahayag kahapon.
Pinangunahan ng Petron Corporation at Chevron ang pagbaba ng presyo ng petrolyo na P0.85 kada litro sa presyo ng gasolina epektibo 12:01 a.m. ngayong araw.
Sinundan ng Flying V ang pagtapyas ng P.90 kada litro sa presyo ng gasolina, maging ang Shell Philippines ay nagbaba ng P.85 kada litro. (JAJA GARCIA)
Walang ginawang paggalaw sa ibang produktong petrolyo tulad ng diesel at kerosene ang kompanyang Petron, Chevron, Flyng V at PTT.
Inaasahan na susunod ang iba pang kompanya ng langis sa pagbaba ng presyo ng kanilang produktong petrolyo.
Naglalalaro sa pagitan ng P50-51 kada litro ang gasolina habang nasa P40-41 naman ang diesel.
(JAJA GARCIA)