Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine Lustre, gaya-gaya kay Kathryn Bernardo?

081114 nadine lustre kathryn bernardo

ni Nonie V. Nicasio

SA biglang tingin, madalas kong mapagkamalan si Nadine Lustre bilang si Kathryn Bernardo. Hindi ko sure kung dahil malabo ang mata ko kapag walang salamin o dahil may hawig talaga ang dalawang young actress.

Sa pagkaka-alam ko, may ilang bashers si Nadine na sinasabing gaya-gaya raw ito kay Kathryn. Pero ayon sa una, okay lang naman ito sa kanya at hindi siya nagpapa-apekto sa mga bashers.

Sabi ni Nadine sa isang panayam, “It’s okay. Actually, it’s not really bad. Kasi people notice me kahit bashers ‘yan, kahit ayaw nila sa akin at least, they notice me.”

Idinagdag pa ng 21 year old na aktres na may mga instance raw na napagkakamalan siyang si Kathryn tulad sa malls na maraming fans ang nagsasabing, “‘Ay, Kath pa-picture naman.’ Pero magalang daw niyang sinasabihan ang fans na hindi siya si Kathryn.

Ayon pa kay Nadine, hindi naman siya nao-offend sa mga ganoong pagkakataon. “No, naman. I just feel bad lang for the person kasi baka ma-disappoint siya.”

Aminado rin siyang may pressure ang next movie project nila ni James Reid na Talk Back and You’re Dead dahil kumita ang nauna nilang pelikula titled Diary Ng Panget.

Well, base sa lakas ng feedback ng tandem nina James at Nadine na kilala rin bilang Jadine, naniniwala ako na patuloy na hahataw ang career ng dalawang bagets na ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …