Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mutya ng Pilipinas winner, Miss Cebu na naman!

081114 Eva Psychee Patalinjug

ni Timmy Basil

ANG  taong 2014 ay mukhang taon para sa mga Cebuana beauty. Kapansin-pansin kasi na sa  tatlong major beauty contest ng bansa, puro Cebuana  ang winners.

Ang una ay sa Binibining Pilipinas na ang nanalong Bb. Pilipinas-Universe ay si Maryjane Lastimosa  (although she represented Cagayan de Oro City pero ang salita roon ay Cebuano pa rin); ang sumunod ay ang Miss Philippines-Earth na ang winner ay si Jamie Herrel at ngayon naman sa katatapos pa lang na Mutya ng Pilipinas, ang pinaka-ultimate winner na siyang nakakopo ng title na Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific  ay isa na namang Cebuana, sa katauhan ni Eva Patalinjug.

Two weeks ago ay nakasama ako sa  birthday show ni Gil Wagas sa J Centre Mall sa Mandaue City at isa si Eva sa mga rumampa. Matangkad, makinis, at matalino, ‘yun ang unang impression ko kay Eva.

After that event,  kinaumagahan ay lumipad kaagad ng Manila si Eva para ipagpatuloy ang training sa Kagandahang Flores at sa pre-pageant activities ng Mutya ng Pilipinas.

Doon pa lang  ay bumilib na ako kay Eva at ang sabi ko, “ikaw ang modaug day” (ikaw ang mananalo Ineng) dahil bukod sa pagiging maganda, napaka-flawless ni Eva at saka a day before we met,  isa si Eva sa mga nanumpa bilang bagong Nurse, na take one lang.

Kasama rin naming kumain sa Penong’s (isang sikat na kainan sa Escario  sa Cebu) si Eva at iba pang modelo at doon namin nalaman na magsyota pala sila ni Gil Wagas, ang Mister International 4th Runner-up, na two years na raw sila.

Samantala,  congratulations din sa ibang winner sa Mutya gaya nina Mutya ng Pilipinas-Tourism International Glenifer Perido (congratsFrancis Calubaquib); Mutya ng Pilipinas Overseas Communities  Patrizia Bosco , 1st Runner-up Cristel Racel , 2nd runner-up Kim Fyfeof Australia.

May isa pang major beauty pageant na aabangan this year, ang  Miss World-Philippines.  Marami rin ang nag-aabang kung sino ang magiging winner dito dahil nga last year si Megan Young ang nanalo at nang lumaban siya  sa abroad ay siya rin ang itinanghal na Miss World .

Teka, huwag n’yong sabihin na Cebuana na naman ang mananalo sa Miss World-Philippines na siyang lalaban sa Miss World ha?

Naku, malamang kasi taon nga nila ito ‘noh? Hehehehe.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …