Sunday , November 3 2024

Laborer nirapido sa gas station

LABING-ANIM na bala ng .9mm at kalibre .45 baril ang umutas sa buhay ng laborer nang ratratin ng hindi nakikilalang mga suspek sa Quezon City, kahapon.

Dead on the spot ang biktimang si Emilio Tandoc, 21, ng Phase 1,Purok 12, Lupang Pangako, Brgy. Payatas, Quezon City.

Ayon kay PO3 Jayson Tolentino, ng Quezon City Police District Office (QCPO) Station 6, naganap ang insidente dakong 2:45 a.m., sa loob ng Amlack Subd., Payatas Road, kanto ng Hope St., Lupang Pangako, Brgy. Payatas.

Sa report ng pulisya, sinamahan ng biktima ang kanyang pinsan na si Landa Sabal sa inoman saka nagpaalam na magpapa-gasolina ng motorsiklo (UK-9396), sa kalapit na gasoline station.

Habang nagpapagasolina si Tandoc, biglang pinagbabaril ng mga suspek na mabilis umeskapo nang makompirmang patay ang biktima.

Isinailalim ng pulisya ang 16 basyo ng bala ng .9mm at kalibre .45 para sa imbestigasyon.

(JETHRO SINOCRUZ)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *