Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joseph Marco, malakas ang dating sa opposite sex!

080514 Joseph Marco

ni Nonie V. Nicasio

MAALAGA pala si Joseph Marco sa kanyang health, kaya twice a week kung magpunta ito sa gym. Nalaman din namin na bukod sa regular na pagwo-work-out, istrikto rin siya sa kanyang mga kinakain.

Pawang mga healthy foods daw ang kinakain ni Joseph at lagi rin siyang alisto sa kanyang diet, kaya naman pala maganda ang pangangatawan nito.

Hindi rin kami nagtaka nang marinig naming malakas ang dating ng Kapamilya actor na ito sa maraming mga members ng opposite sex at pati na rin sa third sex. Madalas din daw na trending topic sa Twitter si Marco dahil sa love triangle na nabubuo sa kanilang mga karakter sa seryeng Pure Love ng ABS CBN.

Ginagampanan ni Joseph dito ang papel ni Dave, samantalang sina Alex Gonzaga at Yen Santos ay gumaganap naman bilang sina Diane at Ysabel, respectively.

Nabanggit nga ni Alex ang kakaibang charismang ito ni Joseph. “Hindi ko masisisi ang viewers namin na agad na-in love kay Joseph, kasi talagang may something special sa kanya.

“Very mysterious kasi si Jowsy (tawag ni Alex kay Joseph) kaya akala ko noong una, hindi kami magiging close. Pero mali ako, kasi napakabait niya, madaling lapitan at masarap kausap. At hanga ako sa kanya bilang actor dahil napaka-professional niya. Tuwing take namin, in character agad siya bilang Dave.”

Nabalitaan din naming patok na patok sa ratings ang serye nila. Base sa datos mula sa Kantar Media noong July 30, pang-apat ang tinaguriang primetime’s newest sensation sa listahan ng most-watched TV shows sa buong bansa taglay ang national TV rating na 20.4%, o lampas doble ng nakuha ng katapat nitong programa sa GMA-7 na My BFF (8.5%).

Kasama nina Alex, Joseph, at Yen sa Pure Love sina Arjo Atayde, Arron Villaflor, Matt Evans, Yam Concepcion, at ipinakikilala si Anna Luna. Bahagi rin ng cast sina Sunshine Cruz, John Arcilla, Ana Capri, Bart Guingona, Dante Ponce, at Shey Bustamante. Ito’y sa ilalim ng direksyon ni Veronica Velasco.

First time kong napansin ang 25 year old na si Joseph sa TV series na Honesto. Kaya malaking break sa kanya itong Pure Love na laging tinututukan ng dalawang anak ko tuwing hapon, bago mag-TV Patrol.

Kung maaalagaan lang nang husto si Joseph, maaari siyang sumunod sa yapak ng mga A-list leading man ng Kapamilya Network.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …