MULA sa ibang departamento ng GMA ang lumipat na rin palang staff sa TV5 who now directs Richard Gomez’s franchise show.
Umano, as steaming coffee ay laging mainit ang ulo ni Goma sa tuwing magte-taping. Blame it on the long taping hours.
Lest this perfectionist actor forget, kinuha ang kanyang hosting services—even if sa totoo lang, Richard lacks hosting skills!—for an imported game show with specific contractual restrictions na dapat umayon sa pormang pinanggayahan nito.
Natural na kakain ng ilang oras ang pagte-tape nito to approximate, at the very least, its original look and flow lest TV5 face violations dahil sa hindi nito pagsunod sa franchise contract.
Problema kay Goma, hindi siya nauubusan ng mga reklamong kung tutuusin ay mga trivial stuff!
POLITIKA, MAILAP KAY RICHARD
STILL on Richard, at a recent presscon ay natanong siya tungkol sa kanyang mga political plan.
Sey ng nagmamaasim na si Goma, he’s eyeing a Congressional seat. In other words, local—hindi isang national elective post tulad ng Senador.
And why not a Senatorial post? Tactless as he could get, inilarawan ni Goma—collectively?—ang mga mambabatas sa Mataas na Kapulungan bilang ”sira-ulo, baliw at bastos.”
In a sense, tama si Goma. Kulang pa nga ‘yon, kung tutuusin. He should have added “magnanakaw”!
However, with Richard’s brickbats against the Senators, hindi tuloy maiiwasang isipin that he’s nothing but a sour-graping senatorial also-ran (read: talunan). Worse, Richard is a political failure dahil ang pinapantasya niyang lokal na puwesto ay napunta sa kanyang maybahay, which Congresswoman Lucy Torres rightfully deserves.
Mag-self-actualize na lang si Richard—more than fantasize—that he’s not cut out for politics—local or national.