BATID nang matagumpay na business owners na ang pinakamahalaga nilang resource ay ang kanilang human resources – ang mga taong bumubuo ng kanilang kompanya.
Sa pagsasagawa ng mga hakbang na maging higit na komportable ang mga empleyado, higit silang magiging produktibo.
Narito ang tips para sa good Feng Shui para sa business owners, ngunit ang mga ito ay good business sense din.
*Alisin ang clutter – Ang mga kalat, sa bahay o opisina, ay sagabal sa pagtamo sa ating mga hangarin. Maglaan ng in-boxes, out-boxes, tiered folders o iba pang file management systems na nababagay sa mga empleyado – o hayaan silang magdala ng kanilang sariling lalagyan. Tiyaking walang nakalagay sa feet area ng mga empleyado. Tiyakin ding ang daan mula sa pinto patungo sa desk ay walang sagabal para sa malayang pagdaloy ng chi.
*Panatilihing malinis ang office space –Ang mga opisina ay dapat na panatilihing malinis at walang kalat, ang sahig ay na-vacuum ng kahit tuwing linggo. Ang mga bintana ay dapat na palaging malinis, ang maruming bintana ay nakasasagabal sa pagpasok ng mga oportunidad at humaharang sa paglago.
*Bawasan ang noise pollution – Ang ingay ang pinakamatinding istorbo sa modern office. Ikonsidera ang paggamit ng carpeting o sound absorption materials sa ilalim ng copiers at iba pang maingay na electronics, dapat ding nakapwesto ang mga ito malayo sa nagtatrabahong mga empleyado. Gumamit ng sound proofing sa mga opisina kung malakas ang boses ng mga empleyado.
*Tiyaking ang office climate ay komportable para sa mga empleyado – Sa pagkontrol sa temperature, hindi lamang nito pinagbubuti ng pagiging produktibo ng mga empleyado, maaari rin nitong mapababa ang utility bills. Ang programmable thermostats, zoned heating and cooling at iba pang green technology ay makatutulong sa pagbubuo ng higit na comfortable climate. Maaari ring i-adjust psychologically ang “feel” sa lugar sa pamamagitan ng pagdagdag ng ilaw para sa cool environment o magdagdag ng red and orange accent colors. I-cool down ang warm space sa pamamagitan ng paggamit ng blues and greens sa decor at magdagdag ng water elements.
Lady Choi