ni Roland Lerum
NAGING emotional si Eugene Domingo sa presscon ng latest film niyang The Barber’s Tales. Sabi niya, pagod na raw siya sa pagbebenta ng pelikula lalo na kung hindi naman tinatangkilik ang indie films na nilalabasan niya.
“Nakaka-insecure ‘pag ganyan ang nangyayari, eh!” diin niya.
Dahil dito, ayaw na raw niyang gumawa ng pelikula ngayon. ”Plano kong mag-aral na lang ng Spanish language ngayon para makatulong sa akin,” pahayag niya. Hindi na raw pelikula ang priority niya.
Mayroon pa ring ibang pagmamahal sa indie film si Eugene. Natuwa nga siya nang malamang nag-indie na rin si Ai Ai de las Alas. May pelikula itong Ronda saCinemalaya Film Festival ngayon.
“Mabuti naman nasubukan niya ang indie at hindi puro mainstream,” sabi ni Eugene.