Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lider ng kulto kalaboso (Pamilya inabandona)

ISANG lider ng kulto na may nakabinbing arrest order ang naaresto ng Tampakan PNP sa Tampakan, South Cotabato.

Si Jessie Dayo Casianares, lider ng Alpha Omega Mathematical Mission, residente ng Purol Rizal, barangay Kipalbig, Tampakan ay naaresto sa bulubunduking sakop ng Sitio Data’l Bla, Barangay Lampitak.

Ayon kay Sr. Insp. Sherwin Maglana, hepe ng Tampakan PNP, ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Lorenzo Balo, ng Koronadal Regional Trial Court (RTC) Branch 24.

Si Casianares ay kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act ng kanyang asawa dahil sa hindi pagbibigay ng suporta sa mga anak at pagkakaroon ng tatlong asawa.

Napag-alaman na may 10 taon nang nasa bundok ang grupo ni Casianares kasama ang mahigit 10 pamilya na kasapi ng kanyang kulto na karamihan ay mga babae.

Nakapagtayo na rin si Casianares ng kanyang sariling simbahan sa bundok at maliit na silid para sa kanyang panggagamot.

(Beth Julian)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …