Saturday , November 23 2024

Kumusta Ka Ligaya (Ika-14 labas)

00 ligaya

LUMIPAT NG TERITORYO SI DONDON SA ISANG BAYAN SA RIZAL PARA ITULOY ANG ‘BUSINESS’

Pinag-isipang mabuti iyon ni Dondon.

Nagpasiya siyang mangibang-lugar. Isang bayan sa lalawigan ng Rizal ang napili niyang pamugaran. Doon siya nangupahan sa isang maliit na kuwarto. Doon niya ipinagpatuloy ang pagtutulak ng droga. At doon din niya nakilala at nakapalagayang-loob ang tricycle driver na si “Popeye.” Hawig nga kasi ang itsura sa canton character na may gayong pangalan. Payat na lalaki at bungal na bungal. Sa edad na kwarenta ay binata pa si Popeye dahil mas nagumon sa pagsi-shabu.

“Bossing, paano kang na-city jail noon, e, menor de-edad at no’ng disisyete anyos ka pa lang?” naitanong ni Popeye nang mabanggit ni Dondon ang karanasan niya sa piitan.

“Wala kasi akong maipakitang birth certificate o katibayan na talagang menor de-edad ako…” naikatuwiran niya.

Naging runner-alalay ni Dondon si Popeye. Bukod sa libreng ratrat ay hinahatian din niya ito ng kita sa pagtutulak ng droga.

“Sa pinasok nating bisnis, kailangan, e, laging naka-zipper ang bibig natin. At da-pat simple lang tayo kahit paldo ang laman ng ating bulsa … Maliwanag ba, Popsie?” ang tagubilin niya sa matapat na runner-alalay.

“Parang sikat ng araw, Bossing,” ang walang gatol na sagot ni Popeye.

Kahit paldo-paldong salapi na ang naha-hawakan ni Dondon ay nagtiis pa rin siya sa isang paupauhang silid. At kaysa kotse ay motorsiklo lang ang binili niya nang cash. ‘Yun din ang ipinagagamit niya kay Popeye sa pagde-deliver ng droga at pagtakbo-takbo sa kanyang mga ipinag-uutos.

Sa malayo-layong lugar naggu-goodtime si Dondon. Kasama niya parati si Popeye na nagmistulang anino niya saan mang lupalop sila pumunta. Kahit sa mga bahay-aliwan.

“Bossing, me alam akong inuman na puro maganda at seksi ang mga babae… Pwedeng i-take-out ang mga GRO roon,” naibulong minsan ni Popeye kay Dondon.

“Saan ‘yon?” tanong niya.

Binanggit ni Popeye ang isang lugar sa Cainta.

“Sige, pasyalan natin sa isang linggo,” tango niya sa runner-alalay.

“Tamang-tama, Bossing…Du’n natin i-celebrate ang birthday mo!”

Sabado ng gabi. Nagtaksi lang sina Dondon at Popeye sa pagpunta sa isang popular na bahay-aliwan sa Cainta. Ika-20 taong kaarawan noon ni Dondon.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *