DALAWANG taon nakalipas, nais simulan nina Anamie Saenz at Normeth Preglo ang isang klase na magiging kasunod na fitness craze para sa kababaihan, at maging sa kalalakihan.
Kaya umapela sila sa fairy tale femme ng karamihan at sinimulan ang ‘how-to-be-a-mermaid academy’ na kung tawagin ay Philippine Mermaid Swimming Aca-demy.
Nagtuturo ang academy ng aktibidad na tinuturing nito bilang “mermaiding, isang artistikong eks-presyon at masayang paraan para maging fit at malusog.”
Ang PMSA ang kauna-unahang eskwela sa mundo na nakatuon ang pansin sa konsepto ng ‘mermaid swimming’ at kauna-unahan din na ginawa itong accessible sa masa. Kadalasan ang ganitong uri ng klase ay eksklusibo para sa mga propesyonal na mga performer at entertainer.
Para maunawan at maranasan ang under-the-sea existence, nagsusuot ang mga participant ng makukulay na buntot ng sirena na gawa sa tela na may monofin sa dulo. Ang buntot ay mahalaga para sa workout, dahil pinipigil nito ang mga binti at paa at nakatutulong sa mga nakasuot nito na mag-focus sa paggamit ng kanilang mga core muscle para sa paglalangoy.
Nakatakda sa US$40 ang introductory class at habang ikaw ay naka-enrol, dino-dokumentaryo ang inyong mga mermaid adventure. Bukas ang klase para sa lahat ng edad at kasarian (gender) at nag-o-0ffer din ang mga instructor ng mermaid scuba diving at mermaid water scootering.
Kinalap ni Tracy Cabrera