Sunday , November 3 2024

Career ni Daiana Menezes burado na (Nag-inarte kasi at yumabang! )

 081014 Daiana Menezes

ni Peter S. Ledesma

NOONG time na nasa Eat Bulaga pa ang Brazilian model na si Daiana Menezes ay bongga talaga ang career niya.

Pagdating sa mga out-of-town show talagang in-demand si Daiana at naging mabenta rin siya sa product endorsements. Pero dahil madaling nalunod sa kasikatan, nag-inarte at yumabang na ang feeling, ay mas sikat pa kaysa mga kapwa female hosts sa Eat Bulaga.

Pagkatapos matsugi sa No. 1 noontime show nagpakalat-kalat na sa ibang network si Daiana. Huli siyang napanood sa isang late night show sa NBN 4 na obyus na wala naman gaanong viewers. Wala na rin offer ang hitad na product endorsement paano mahina na siya.

Sabi, tuloy pa rin daw ang relasyon ni Daiana sa politiko na naging controversial noong nakaraang taon. Kung may babalikan pa siya sa showbiz? sa aming palagay ay waley (wala) na.

Feelingera kasi kaya natigbak nang maaga ang career gyud!

“Wansapanataym,” mapapanood na tuwing Sabado at Linggo…

NATO DE COCO NINA VHONG, CARMINA AT LOUISE SOBRANG LAKAS

Pinakapinanood na Sunday program sa buong bansa ang unang episode ng “Wansapanataym” special nina Vhong Navarro, Carmina Villarroel, at Louise Abuel na pinamagatang “Nato de Coco.” Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Linggo (Agosto 3) kung kailan nanguna sa listahan ng most watched TV programs sa Pilipinas ang pilot telecast nito taglay ang national TV rating na 26.5% o halos walong puntos na kalamangan kompara sa katapat na programa sa GMA na “Ismol Family” (18.6%).

Samantala, mas magiging panalo sa TV viewers ang dobleng kasiyahan na ihahatid ng “Wansapanataym” simula ngayong weekend (Agosto 9 at 10) dahil mapapanood na ang original storybook ng batang Pinoy sa bago niyang timeslot tuwing Sabado sa ganap na 7:15 p.m. at Linggo sa ganap na 7:00 p.m.

Sa pagpapatuloy ng “Wansapanataym Presents Nato de Coco,” magsisimula nang magbago ang buhay ni Oca (Vhong) matapos niyang iwan ang kanyang asawa’t anak para sa kanyang karera bilang isang basketball player. Ngunit sa kabila ng kanyang kagustuhan na makabawi sa anak na si Nato (Louise) ay hindi na magagawa ni Oca na humingi rito ng tawad dahil sa isang malagim na aksidente. Makababawi pa ba si Oca kay Nato kapag nabigyan siya ng isa pang pagkakataon na makasama bilang isang buko?

Bahagi rin ng “Nato de Coco” sina Ella Cruz, Joshua Dionisio, Epi Quizon at Yogo Singh. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at direk-syon ni Lino Cayetano.

Sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang original storybook ng batang Pinoy na “Wansapanataym” ang longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN. Huwag palampasin ang “Wansapanataym Presents “Nato de Coco” tuwing Sabado, sa ganap na 7:15 ng gabi; at Linggo sa ganap na 7:00 ng gabi sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

About hataw tabloid

Check Also

David Charlton Davids Salon

David Charlton pumanaw na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKIKIRAMAY din kami sa pagyao ni sir David Charlton, founder at CEO …

Kim Chiu

Kim Chiu bagong calendar girl ng Tanduay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MUKHANG si Kim Chiu nga ang sinasabing bagong calendar girl ng Tanduay Rhum …

John Wayne Sace Vilma Santos

Vilmanians nalungkot sa krimeng kinasangkutan ni John Wayne Sace

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NALULUNGKOT ang mga kapwa Vilmanian na nagkuwento sa amin hinggil sa kinakaharap na …

Kris Aquino

Kris magpagaling muna, delikado ang maglabas-labas

HATAWANni Ed de Leon NATAWA kami roon sa kuwento, gusto pa raw sumama ni Kris Aquino sa …

Vilma Santos Luis Manzano

Luis matatangay ng lakas ni Ate Vi

HATAWANni Ed de Leon SI Luis Manzano ang laging kasama ngayon ni Vilma Santos sa mga kampanya. Natural iyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *