ni John Fontanilla
NO to Showbiz ang 1st runner up sa Cycle 2 ng Asia‘s Next Top Model na si Jodilly Pendre.
Anito nang makausap namin sa pictorial ng mga endorser ng Headway Vera salon na isa siya sa ambassador, na ginanap sa Vic Fabe Photography sa Esna Bldg. Timog Quezon City, na mas gusto niyang maka-penetrate sa Europe at Amerika lalo na‘t naka-penetrate na siya sa Asia at sunod-sunod ang mga proyekto niya.
Happy nga raw ang morena, maganda, at matangkad na modelo dahil nakapagbukas ng mas maraming opportunity abroad ang kanyang pagsali sa Asia‘s Next Top Model.
Sa ngayon, may agent na ito sa Europe at Amerika na magbibigay sa kanya ng proyekto within the year. At habang hinihintay ang ilan pang proyektong gagawin ay busy ito sa pagpo-promote ng kanyang ini-endosong produkto katulad ng Subaru at PLDT.