Sunday , November 3 2024

Arabianong mahilig inireklamo ng 24-anyos misis (Walang pahinga kahit jingle)

081014_FRONT

Takot na takot, namumutla at masakit pa ang kaselanan ng isang 24-anyos na misis nang magtungo sa ManilaPolice District – Women’s and Children Protection Unit para ireklamo ang pinakasalang Arabo dahil sa walang tigil na pakikipagtalik sa kanya sa loob ng dalawang araw nilang honeymoon sa tinutuluyang hotel sa Maynila.

Kasong paglabag sa Republic Act 9262 ang isinampa laban sa Arabong si  Qasim Gallab, 55, pansamantalang nanunuluyan sa Room 517 City State Hotel, Quezon Boulevard, Quiapo, Maynila.

Sa sumbong ng mga kapatid ng  biktima  kay P/Insp. Vicky Tamayo, nagpakasal umano ang biktimang Pinay sa suspek nitong nakaraang Agosto 3 sa Mindanao, nang makompleto ang kasunduang “Dote”  na nagkakahalaga ng P100,000.

Dinala ng suspek si Jenny sa Maynila, kasama ang kapatid niyang babae at ang kanyang bayaw.

Sa nasabing Hotel, nag-honeymoon ang dalawa, nitong Agosto 6.

Kinabukasan nagreklamo ang biktima sa kanyang mga kapatid sa kanyang sinapit sa asawang Arabo.

“Masyado niyang pinuwersa ang kapatid ko, halos hindi na tinantanan, siguro naka-Viagra, kasi hirap na hirap nang magpunta kami sa hotel at nang ipa-eksamin namin sa ospital, nagdurugo sa loob ang kanyang ari, putlang-putla nang datnan namin,” pahayag ng nakatatandang kapatid ng biktima na hindi nagpabanggit ng pangalan.

Dahil dito, inaresto si Gallab, dinala sa MPD- Sta. Cruz police station (PS3), saka inilipat ang kaso sa MPD-WCPU sa MPD Headquarters.

Tumanggi magbigay ng pahayag ang inireklamong Arabo.

ni LEONARD BASILIO

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *