DUMARAMI na ang mga militanteng Filipino na nakikipaglaban sa Iraq.
Ayon kay Felizardo Serapio, Jr., pinuno ng Law Enforcement and Security Integration Office, maraming mga Filipino ang tumungo ng Iraq at Syria at ngayon ay miyembro na ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS), ang militanteng grupo na siyang target ngayon ng airstrikes ng Amerika sa Iraq.
Batay sa report ni Serapio kay Executive Secretary Paquito Ochoa, pinuno ng Anti-terrorism Council, halos 200 Filipino na ang umanib sa ISIS.
Ayon sa Department of Foreign Affairs sa report na isinumite rin kay Ochoa, dalawang Filipino na miyembro ng ISIS ang sinasabing namatay sa pakikipaglaban sa Iraq.
Sinasabing maraming tinaguriang “Anak-Ilu” o orphaned fighters ang umalis ng Sulu noong nakaraang taon para tumungo ng Iraq at Syria at nagsanay sa mga militante.
Ang naturang mga ulila ay mga miyembro ng Abu Sayyaf at Moro National Liberation Front dito sa Filipinas.
200 Pinoy sa ISIS bineberipika ng Palasyo
NILINAW ng Malacanang na hindi umaabot sa 200 ang bilang ng mga militanteng Filipino na nakikipaglaban sa Iraq.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, lumalabas sa kanyang pagbeberipika na hindi aabot sa ganito karami ang Filipino na nakikisangkot sa giyera sa Iraq.
Ayon kay Valte, iniutos na nila ang validation sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa naglalabasang mga ulat.
Una rito, sinabi ni Felizardo Serapio Jr., pinuno ng Law Enforcement and Security Integration Office, maraming mga Filipino ang tumungo ng Iraq at Syria at ngayon ay miyembro na ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS), ang militanteng grupo na siyang target ngayon ng airstrikes ng Amerika sa Iraq.
Batay sa report ni Serapio kay Executive Secretary Paquito Ochoa, pinuno ng Anti-terrorism Council, halos 200 Filipino na ang umanib sa ISIS.