ni PILAR MATEO
KAHIT tatlong taon na silang nagli-live in ng kanyang non-showbiz boyfriend, wala pa rin daw sa kalendaryo ang araw na ikakasal si Solenn (Heussaff).
“Not naman na binabalewala ko that piece of paper. Sa akin kasi, or sa amin, this is what works now. ‘Am not saying na hindi mangyayari ang kasal. Malay natin baka next year. And ‘pag nangyari rin kasi ‘yun gusto ko abroad with mga very closest relatives and friends lang.”
Dumagdag pa ang Calayan Surgicentre sa bagong endorsement ni Solenn for their French Facial at Slim Laser.
“Hindi talaga ako maarte sa katawan. But when Calayan took care of me nalaman ko na ang mga dapat kong i-address lalo na that I need it with my work as an actress. Kaya ngayon apart from spending time at the gym in preparation for a role am doing for a teleserye where I will portray the role of a German, lahat na face, skin, abs checked na with the Calayans.”
Kung nasasali siya sa mga intriga anong ginagawa niya.
“Ah, that’s the part na iwas ako kasi hindi ako tsismosa. I don’t like it and won’t make patol. Kaya ‘yung mga sine-say ‘di nagpansinan mga ganyan, not true at all!”