Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SMB-Rain or Shine buena-mano (PBA Liga ng Bayan)

UNANG magkakasubukan ang San Miguel Beer at Rain or Shine sa pagsisimula ng pre-season series ng Philippine Basketball Association na Liga ng Bayan sa Setyembre 12 sa Angeles, Pampanga simula alas-6 ng gabi.

Ito ang magiging unang laro ng bagong head coach ng Beermen na si Leo Austria.

Sa Oktubre 4 ay magkakaroon ng double-header sa Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna kung saan maghaharap ang Kia Motors ni Manny Pacquiao kontra Blackwater Sports sa alas-3 ng hapon at ang Grand Slam champion San Mig Super Coffee kontra North Luzon Expressway sa alas-5.

Kinabukasan ay maglalaban ang Barangay Ginebra San Miguel kontra sa Meralco Bolts ni bagong coach Norman Black sa Panabo, Davao Del Norte.

Sa Oktubre 10 ay lalaro sa Puerto Princesa, Palawan ang Alaska at Barako Bull na ang promoter nito ay ang dating board governor ng Powerade/Coca-Cola na si Atty. JB Baylon.

Sa Oktubre 11 ay magsasagupa ang Bolts at Beermen sa Blue Eagle Gym sa loob ng kampus ng Ateneo de Manila University sa Lungsod Quezon.

At sa Oktubre 12 ay magbabanggaan ang Talk n Text at Globalport sa Legazpi, Albay.

Ang mga larong ito ay bahagi ng paghahanda ng pagbubukas ng bagong PBA season sa Oktubre 19.

“Regalo natin sa mga fans ‘yan. Alam naman natin kung gaano sila nasabik sa mga laro,” wika ni PBA Media Bureau Chief Willie Marcial.

Ni JAMES TY iii

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …