MAGPAPATAWAG ng sariling imbestigasyon ang Senado kaugnay ng naging kontrobersiya sa performance ng precinct count optical scan (PCOS) machines noong 2013 local and senatorial elections.
Ang imbestigasyon ay gagawin ng Senate committee on electorial reforms and people’s participation na pinamumunuan ni Sen. Koko Pimentel.
Tinukoy ng senador ang alegasyon ng electorial fraud sa Nueva Ecija partikular sa kasong inihain nina Bernado Arana at Arlan Esteban, lumalabas na malaki ang pagkakaiba ng resulta ng PCOS machines sa official Comelec tally.
Sa resulta, lumabas na ang botong nakuha ni dating senatorial candidate Eddie Villanueva sa pamamagitan ng PCOS machines ay 900, samantalang sa official manual count ng Comelec ay 781 votes lamang.
Binigyang diin ng senador na malaking error na kung maituturing ang 119 votes sa loob ng presintong hindi lalagpas sa 1,000 ang mga botante.
Nais ding imbestigahan ng senador ang ulat na nagkaroon ng pre-programed ang PCOS machines na ginawang 60-30-10 scheme.
Iginiit ni Pimentel, kailangan maimbestigahan ito dahil hindi malayong mangyari ito sa iba’t ibang panig ng bansa.