UMARIBA na naman sa larangan ng karera ng kotse si Jomari Yllana at nagwagi na naman ito sa nasabing race, sa 2nd leg ng Philippine Grand Touring Championships.
Tuloy-tuloy na nga ito ayon sa actor every month na niya itong ginagawa.
“Racing and the racetrack is my Neverland, my happy place. Kung may mga comfort zone tayo, eto ‘yung sa akin. Alam mo naman ang adrenaline rush kapag nasa racetrack na ako. And noon pa lang, dream ko na ito kaya noong nagagawa ko at natutupad na, all the more na it gets me inspired to do other things with passion—gaya sa pag-aartista ko.”
Kaya kahit na umaariba sa pangangarera niya ang aktor na binabantayan na ng ilang foreigners para ilaban sa bayan nila in the future races, hindi pa rin niya kinalilimutan ang pag-eemote sa harap ng camera kaya karir din ngayon ang pagpapaganda ng katawan niya.
‘Di naman kaya may popormahan lang?