Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mader Ricky at Mama Renee Salud sa GRR TNT

080914 GRR

TUTOK lang sa programa ng GMA News TV na Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado, 9:00-10:00 a.m. para masaksihan ang magkumareng Mader Ricky Reyesat Mama Renee Salud na kilala sa kani-kanilang larangan.

Ipaparada ng mga finalist ng 2014 Mutya Ng Pilipinas ang mga obrang long gown ni Mama Reneee na ginamit nila sa evening gown competition na ginanap sa Palawan.

Ipapasyal din tayo ni Mama sa kanyang shop na naka-display ang koleksiyon ng kanyang mga idinisenyo at nilikhang damit para sa iba-ibang sikat na tao sa alta sosyedad, politika, at showbusiness.

‘Pag sa pag-aayos ng buhok at paglalagay ng make-up ay wala nang tatalo kay Mader at ngayong Sabado’y may demo siya ng  bagong hair style na sexy curls at wig na yari sa tunay na buhok ng tao. Kaya naman ang statement niyang ”Ang Gandaaah” na ginamit sa isang shampoo commercial ay sikat na sikat hanggang ngayon.

Dadalaw din ang pilantropong beauty guru sa Childhaus na napatutunayang ang ganda ng tao’y ‘di lang sa panlabas na anyo. ”Kampeon din sa kagandahan ang mga ginoo at ginang na sumusuporta sa pansamantalang bahay tuluyan ng mga batang maysakit. Tunay na walang hihigit pa sa ganda ng puso ng kanilang mga supporter na kilala bilang ninong at ninang na walang sawa sa pagbibigay sa kanila ng tulong at pagmamahal,” sabi ni Mader RR.

Sa mga nagnanais maging seksi at malusog, may irerekomendang pagkain, prutas, at gulay si Mader. Talagang maganda ka kapag ang anyo mo’y beautiful at healthy at super makinis ang balat at mukha.

Basta usapang kagandahan, kalusugan, at pananamit, samahan lagi si Mader Ricky sa GRR TNT na handog sa inyo ng ScriptoVision.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …