IMPOSIBLENG iwanan ni John Lloyd Cruz ang sitcom nila ni Toni Gonzaga na Home Sweetie Home dahil consistent ito na nasa top 10 ng Kantar Media. May niluluto kasing serye para kay JLC na kasama sina Maja Salvador at Jericho Rosales. Siguradong bibigyan pa rin ng panahon ni John Lloyd ang HSM dahil nagmamarka na sa kanila ni Toni ang bagong John en Marsha tandem.
Anyway, ang ABS-CBN 2 pa rin ang pinakapinanonood noong Hulyo sa kabila ng kawalan ng koryente sa ilang lugar sanhi ng bagyong Glenda. Base sa datos ng Kantar Media, nakakuha angABS-CBN ng average audience share na 43%.
Naabot ng The Voice Kids ang panibagong all-time high national TV rating nito na 37.7% sa unang gabi ng finale nito noong Hulyo 26. Nanatili rin sa unang puwesto ang katatapos lamang na singing reality show sa listahan ng pinakapinanonood na programa sa bansa noong Hulyo sa average national TV rating of 33.6%.
Nakuha ng ABS-CBN ang lahat ng puwesto sa listahan ng 10 programang pinakapinanonood noong Hulyo. Bukod sa The Voice Kids nanguna rin ang Dyesebel (27.2%), Maalaala Mo Kaya(26.4%), Hawak Kamay (25.9%), Ikaw Lamang (25.4%), TV Patrol (25.3%), Mirabella(24.4%), Wansapanataym (23%), Rated K (21.3%), at Home Sweetie Home (20.2%) sa nasabing buwan.
Pasok naman ang Pure Love (18.3%), Sana Bukas Pa Ang Kahapon (18.3%), at Goin’ Bulilit(17.2%) sa top 15.