Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kumusta Ka Ligaya (Ika-13 labas)

PINUTOL NI LIGAYA ANG KOMUNIKASYON SA KANYA, NATIMBOG SI BONG HELICOPTER, UMALAGWA SI DONDON

Ayaw sagutin ni Ligaya ang mga pagtawag niya sa cellphone. Hindi rin nagre-reply sa kanyang mga text. At bandang huli ay “not yet in service …” na ang cp na kinikontak niya. Labis niyang ikinabahala iyon. Nag-alala siya sa kalagayan ng katipan na nabiktima ng malupit na kapalaran. “Narito ako, nagmamahal sa iyo… Mahal na mahal kita. Nasaan ka? Pupuntahan kita kung saan ka man naroroon ngayon,” ang mensahe niya sa text na nagpapahiwatig ng malasakit at tapat na pag-ibig sa dalaga.

Walang piyansa ang kasong rape. Napag-alaman ni Dondon na napiit sa city jail ang among Tsino ni Ligaya habang dinidinig ang isinampa nitong reklamo sa husgado. Pero kung saan man ito nanirahan ay wala pa rin siyang nababalitaan.

Lumipas ang maraming araw, linggo at buwan.

“Bigtime Pusher Timbog Sa PDEA.” Nakabandera ang mukha ni Bong Helicopeter sa pahina ng pahayagang tabloid. Sinasabi sa kaugnay na balita na nalambat ng mga maykapangyarihan si Helicopter sa isang buybust operation sa Sta. Cruz area…”

Ikinalungkot din ni Dondon ang pagkahoyo ng kanyang kakosa. Pero sa isang banda ay nagbukas iyon sa kanya ng malaking oportunidad sa pagsusuplay ng droga. Sa umpisa ay namuhunan muna siya nang pakonti-konti sa patingi-tinging pagbebenta niyon. Nag-solo flight sa distribusyon ng naka-sachet na shabu. At noon siya nagkamal siya ng limpak-limpak na pera.

Gayon man, sa paglabag sa batas ay minsan siyang natiyempohan ng isang grupo ng mga tiwaling pulis. Hindi nga siya tinuluyan dahil delihensiya lang naman ang lakad ng mga ito. Pero sabi nga ay naubos ang kanyang ‘pinagputahan.’ Pati kasi pe-rang itinatago-tago niya sa inookupahang entreswelo ay kanyang ‘naisuka.’

Balik si Dondon sa papiyait-piyait na pagtutulak. Pero sa tuwing makakaipon na siya nang malaki-laking halaga ay saka naman tinitimbog ng grupo ng mga gagong pulis. Nahalata niya kalaunan na ginagawa na siyang ‘gatasang baka’ ng mga bugok na may tsapa.

“Mainit ka na sa mga parak, Pards… “ naibulong kay Dondon ng cigarette vendor sa Recto na naabutan niya ng pangtsibug sa pananghalian.

“Pansin ko nga…” pagbubuntong-hi-ninga niya.

“Siguro’y dapat ka nang mag-iba ng tarima, Wala rin kasing mangyayari sa buhay mo kung magiging palabigasan ka na lang palagi,” ang naipayo sa kanya ng vendor.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …