Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hagdang Bato vs Crusis

MARAMING Karerista ang nagtatanong o nabubuwisit na talaga sa liyamadong kabayo na outstanding favorite sa betting pero natatalo ito. Hindi man lang nakikita sa timbangan ang mga ito matapos ang karera.

Sa mga ilang karerang nagdaan bigo ang Bayang Karersita sa mga tinayaan nilang outstanding favorite sa betting.

Napapanood ng Bayang Karerista sa mga TV monitor sa mga OTB kung paanong gawaan ng paraan ng isang hinete ang kanilang sakay para matalo.

Kung hindi daw ito maiwan sa starting gate, ibubuka nito ang pagdadala sa kurbada papasok sa homestretch at minsan ayaw nito bigyan ng magandang ayuda upang gumalaw mabuti ang kanyang sakay.

Marami pang paraan ang ginagawa ng isang hinete para matalo sa laban ang kanyang sakay.

Isa pa, bakit hindi napaparusahan ang isang hinete sa GARAPALANG pagdadala ng kanyang sakay? Hindi ba ito nakikita ng mga Board of Stewards ng tatlong karerahan dito sa ating bansa.

Ano raw ba talaga ang trabaho ng mga Board of Stewards?

TANONG PO ‘YAN NG BAYANG KARERISTA!

***

Naiuwi ng kabayong MALAYA na pag-aari ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos,Jr. ang kampeonato sa PCSO National Grand Derby (Substitute Group) na umarangkada sa karera ng Santa Ana Park.

Tumataginting na P800,000 ang tinanggap ng may-ari ng Malaya sa pagwawagi nito.

Pumangalawa dito ang Tap Dance na may premyong P350,000; Pangatlo ang Manalig Ka may premyong P200,00 at pang-apat na Wild Talk.

Ang pakarera ay para sa benepisyo ng Pugad Lawin sa NorthernView (PLN) para sa PLN’s Medical and Charitable Missions.

CONGRATULATIONS Mayor Benhur Abalos,Jr.

***

Wala ng makakapigil pa sa National Press Club Racingfest na hahataw sa darating na Agosto 10 araw ng linggo sa karerahan ng Metro Turf Club sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Ito ang ikatlong pakarera ng NPC Challenge Cup na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (Philracom) na may premyong cash prize na P180,000 at tropeo para sa mananalong kabayo.

May 10 trophy races na may premyong cash prize at tropeo sa mga mananalong kabayo.

***

Tuloy na tuloy na rin ang 2nd Press Photographers of the Philippines Inc. Charity Race sa Agosto 16, 2014 na gaganapin sa karerahan ng San Lazaro Leisure and Business Park sa Carmona,Cavite.

Inisponsoran ito ng Philippine Racing Commission (Philracom) para sa benepisyo ng mga opisyal at miyembro ng PPP na mangangailangan ng tulong sa darating na panahon.

Lubos din pong nagpapasalamat ang PPP sa mga tumulong at nag-isponsor upang matuloy at gumanda ang pakarerang ito.

SA INYONG LAHAT MARAMING MARAMING SALAMAT PO !

***

Abangan po natin Bayang Karerista ang paghaharap ng dalawang kabayong hinahangahan ng mga mananaya sa darating na 6th Annual Mayor Ramon D. Bagatsing Cup na hahataw sa karerahan ng San Lazaro Leisure and Business Park sa Agosto 17, 2014.

HAGDANG BATO O CRUSIS saan mo ilalagay ang TAYA mo Chokaran?

Ni FREDDIE M. MANALAC

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …