Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gawing maswerte ang wallet

SA pamamagitan ng paggamit ng feng shui sa pagpili at pag-organisa ng iyong wallet, matutulungan ka ring maparami ang iyong income. Subukan ang Feng Shui tips na ito.

*Ang iyong wallet ay dapat sapat ang laki para lahat ng iyong maaaring ilagay katulad ng barya at perang papel, at dapat na may separate sections para sa mga ito.

Sa pagpili ng wallet, hindi kailangang ito ay mahal, ngunit dapat na ito ay makabubuti sa iyo. Ang pagbubuo ng “wealth and happiness” ay nakasalalay sa iyong specific experience. Sa bawat sandaling ilalabas mo ang iyong wallet, dapat ay nagpapagaan ito ng iyong pakiramdam. Hindi mo dapat ikahiya ang iyong wallet.

Kadalasang ginagamit ng mga tao ang wallet hanggang sa ito ay nagkapunit-punit na. Panahon na para pagkalooban ang sarili ng bagong wallet, isang wallet na kumakatawan sa iyong adhikain, kung sino ka, at kung ano ang positive experience na iyong kailangan sa iyong buhay.

*Kaninong larawan ang dapat o hindi dapat ilagay sa wallet? Katulad ng family photos na hindi dapat ilagay sa master bedroom, hindi rin ito nararapat sa iyong wallet. Ang iyong wallet ay dapat naka-focus sa pera – hihikayat at paglalagyan nito. Ikonsidera ang digital photo keychain o ilagay na lamang ang mga larawan sa iyong smartphone o tablet.

Huwag maglagay ng mga resibo sa iyong wallet, dahil kumakatawan ito sa paggastos ng pera, kaysa pag-iipon nito. Maglaan ng oras sa bawat gabi, o isang beses kada linggo, sa pag-aalis ng mga resibo, business cards at mga papel na naiipon sa iyong wallet.

Naniniwala ang ibang mga tao na dapat limitahan ang bilang ng credit cards na iyong ilalagay sa wallet dahil ang credit cards ay kumakatawan sa utang. Ngunit ang credit cards ay maaaring maging representasyon ng yaman, dahil kailangan mo ng good credit at level of income para magkaroon ng card. Maaaring hindi mo kailangang maglagay ng kahit isang card sa iyong wallet, ngunit okay lamang na ilagay mo ang isang palagi mong ginagamit, o kung kailangan mo para sa emergency.

Kung mayroon kang high-end credit card na iyong ipinagmamalaki, ilagay ito bilang parangal sa iyong wallet at namnamin ang kaluwagan ng iyong pananalapi sa tuwing inilalabas mo ito sa iyong wallet.

*Maglaan ng special na lugar para sa iyong wallet – maaaring sa special basket sa inyong entry way o sa lugar malapit sa lalagyan ng iyong mga susi – at doon mo ito palaging ilagay. Kung ang pera sa iyong buhay ay secured at iyong pinahahalagahan, higit kang makahihikayat ng marami pa nito.

Huwag basta na lamang ihahagis ang iyong wallet sa kitchen table sa iyong pagdating sa gabi. Dapat palagi mong batid kung nasaan ang iyong wallet kapag kailangan mo ito, nang hindi na kailangang halughugin pa ang buong kabahayan sa paghahanap nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …