Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cara y cruz sa lamay nagrambol (Mag-utol todas)

PATAY ang magkapatid nang pagsasaksakin ng hindi nakilalang suspek sa riot na naganap sa isang lamayan dahil sa sugal na cara y cruz sa Las Piñas City.

Namatay bago idating sa Las Piñas Distriat General Hospital ang magkapatid na Vincent Salido, 28, at Brando, 21, kapwa residente ng 169 Diamond St.,  Phase-5, BF Martinville, Barangay Manuyo Dos, Pasay City. Kapwa tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang magkapatid.

Dakong 10:30 p.m., nang maganap ang rambol sa isang lamayan sa sa kanto ng 6th  at Diamond Sts., Phase 5, BF Martinville, Barangay Manuyo  Dos.

Ayon sa saksing si John Kevin Clavero, kasama niya ang magkapatid at mga suspek na naglalaro ng cara y cruz, nang magkantiyawan sa taya.

“May sumuntok po sa akin, hindi ko alam kung sino kaya nagkaroon po ng labo-labo,”pahayag ni Clavero.

Ilang minuto ang nakalipas, nakitang duguang nakahandusay sa lupa ang magkapatid.

Ayon kay PO2 Christian Yanga, nagsasagawa sila ng follow-up operation kaugnay sa insidente upang makakuha ng impormasyon sa pagkakilanlan ng responsable sa krimen.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …