Sunday , November 3 2024

Iniregalong multi-cab sa Cebu LGUs tong pats din (Dagdag na kaso kay Binay)

080814_FRONT

CEBU CITY – Hindi pa man lubusang nasasagot ang kasong plunder, isang panibagong kaso ng katiwalian ang haharapin ni Vice President Jejomar Binay kaugnay sa pagbili ng multi-cab na ipinamigay niya sa local government units (LGUs) sa lalawigang ito.

Ayon sa abogadong si Renato Bondal, binili ni Binay ang mga multi-cab noong siya ay Mayor pa ng Makati sa halagang P230,000 bawat isa gayong P85,000 lamang ang halaga nito.

“Ipinamigay ni Vice President ang mga mini-cab sa Cebu LGUs pero hindi alam ng mga mayor na may tong-pats pala ang presyo nito,” ani Bondal sa 888 News Forum na ginawa sa Marco Polo Plaza sa Cebu City.

“Kaya kailangang mag-ingat kayo sa mga politikong nagbibigay ng regalo. Baka gusto lang kayong pagkakitaan,” dagdag niya.

Hindi pinangalanan ni Bondal ang mga pinagbilhan ng overpriced na mini-cab pero sinabi niya na nakabase sa Cebu.

Ibinunyag niya na ang mga mini-cab na binili ng Bise Presidente para sa Makati ay nilagyan ng mga sticker na may retrato ni Binay.

Bukod sa kaso kaugnay ng overpriced mini-cab, sinabi ni Bondal na sasampahan niya ng panibagong kaso ang mga Binay dahil sa maling paggamit ng Makati Friendship Hotel para sa politika.

Ang Hotel, aniya, ay ginagamit ni Binay para bigyan ng libreng tirahan sa Metro Manila ang mga mayor, konsehal at barangay captain mula Cebu, Bohol at iba pang bahagi ng bansa bilang bahagi ng kanyang pangangampanya.

“Mula pa noong 2005, ginagawa na ng mga Binay ang ganitong maruming klase ng pamomolitika. Araw-araw, may mga bus mula sa probinsiya na nagdadala ng mga politiko sa Hotel para ilibre ng tirahan at pagkain gamit ang pondo ng Makati,” pagbubunyag ni Bondal.

Si Bondal ang nagsampa ng kasong plunder sa Ombudsman laban kay Binay at anak na si Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay ng Makati kaugnay sa overpricing o pagpatong ng dagdag na presyo sa pagtatayo ng kontrobersiyal na parking building ng Makati City Hall.

Batay sa kasong plunder na isinampa nina Bondal at Nicolas “Ching” Enciso – imbes P245,558,248 ang halaga ng konstruksiyon, pinalabas na P1.560 Bilyon nang itayo noong 2007.

Isinasaad sa sumbong na Mayor pa si Vice President Binay nang panahong maganap ang anomalya ng bagong Makati City Hall Building 2 na binubuo ng 11 palapag, 5 palapag dito ang parking space.

May roofdeck ang gusali at mayroon din basement parking samantala ang anim na iba pang palapag ay inookupa ng mga opisina.

Bukod sa mag-amang Binay, akusado rin ang mga konsehal na nagsilbi noong 2007 hanggang 2013, kabilang na sina Ferdinand T. Eusebio, Arnold Magpantay, Romeo Medina, Tosca Puno Ramos, Maria Alethea Casal-Uy, Ma. Concepcion Yabut, Virgilio Hilario, Monsour Del Rosario, Vince Sese, Nelson Pasia, Salvador Pangilinan, Elias Tolentino, Ruth Tolentino, Henry Jacome, Leo Magpantay, Nemesio “King” Yabut, Armand Padilla, Israel Cruzado, Maria Theresa De Lara, Angelito Gatchalian at Erbesto Aspillaga.

Isinama rin sa reklamo si COA Auditor Caganan dahil sa pagkabigo niyang tiyakin na masusunod ang tamang proseso sa proyekto.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *