Monday , December 23 2024

Chanel Latorre, saludo sa galing ni Nora Aunor

080814 hustisya Chanel Latorre Nora Aunor

ni Nonie V. Nicasio

LALONG naging matindi ang paghanga ni Chanel Latorre sa Superstar na si Nora Aunor matapos ang gala premiere ng pelikulang Hustisya sa CCP last Saturday, bilang isa sa entry sa Directors Showcase category ng Cinemalaya 2014.

Isa si Chanel sa casts ng naturang pelikula na pinamahalaan ni Direk Joel Lamangan. Gumanap dito si Chanel bilang presong nabaliw dahil pinatay ang ama, nang gahasin nito ang sariling apo.

“Sobrang powerful ng presence ni Nora. Ibang klase siyang aktres e. Makikita mo sa kanya ang mixture ng maraming emosyon! Electrifying, infectious, grand,” esplika ni Chanel na isang kilalang Indie actress.

Nasabi rin ni Chanel na bukod sa magaling na aktres, nalaman niyang ibang klase rin kung makisama si Nora. “Marami po akong natutunan sa kanya sa pakikisama. ang bait-bait niya. Kaya rito ko nalaman na hindi lang Superstar sa galing bilang artista si Mama Guy, kundi superstar din sa pakikisama sa lahat ng katrabaho.

“Kaya sobrang happy ako na maging part ng Hustisya, sobrang inspiration ko po si Mama Guy.”

Ano ba ang feeling kapag kasali ka sa Cinemalaya? “Grabe po ang adrenaline rush!” nakatawang wika niya. “Kaba, saya, excitement at iba-iba pa! Dito kasi nagtitipon-tipon ang film lovers talaga. ‘Yung mga nakaka-appreciate talaga ng Indie.”

Bukod kina Nora at Chanel, ang ilan pa sa cast ng Hustisya ay sina Rocco Nacino, Rosanna Roces, Sunshine Dizon, Gardo Versoza, Romnick Sarmenta, Sue Prado, Chynna Ortaleza, Jeric Gonzales, Jaime Pebanco, at iba pa.

Si Chanel ay unang nagbida sa international film na Wan Chai Baby noong 2011 na gumanap si-yang domestic helper na naging massage girl sa Hong Kong. Ito’y mula sa pamamahala ng Australian director na si Craig Addison. Lumabas din si Chanel sa mga pelikulang Latak, Captive ni Direk Brillante Mendoza, Babagawa, Diplomat Hotel, at iba pa.

Sa ngayon, katatapos lang gawin ni Chanel ang Magkakabaung with Allen Dizon, Of Sinners and Saints na pinagbibidahan ng Italian-Filipino actor/filmmaker na si Ruben Maria Soriquez, Polo Ravales, Raymond Bagatsing, at iba pa.

Tapos na rin niyang gawin ang pelikulang Maratabat na gumaganap si Chanel bilang asawa ni Ping Medina, na isang governor dito. Inspired ang pelikula ng nangyaring Maguinda-nao massacre. Nakatakda na rin nilang simulan ang Tiyanak na pamamahalaan nina Direktor Peque Gallaga at Lore Reyes,

About hataw tabloid

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *