Sunday , November 3 2024

Bentahan ng droga sa bus terminal talamak na (PNP-AIDSOTF naalarma)

HINIKAYAT ng PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force ang bus operators na isailalim sa screening ang mga nag-aaplay na driver bago tanggapin sa kanilang kompanya.

Ito’y kasunod ng pagkakahuli kamakalawa sa isang dating sekyu na nagsisilbing supplier ng shabu sa mga bus driver at konduktor sa South terminal sa Alabang.

Naaresto ng PNP-AIDSOTF ang nasabing pusher na kinilalang si Emmanuel Bendoval alyas Bagwis.

Ayon kay PNP AIDSOTF legal chief, C/Insp. Roque Merdegia, walang masama kung isama sa kanilang requirements ang magpa-drug test ang kanilang aplikante lalo na ngayong tinanggal na ng LTO ang drug testing requirement sa pagkuha ng lisensiya.

Giit ni Merdegia, mas mabu-ting isailalim sa drug test ang lahat ng bus driver ng isang bus company kada anim na buwan.

Ito ay dahil lumabas sa inis-yal na imbestigasyon ng pulisya na maraming mga driver at konduktor ng nasabing bus terminal ang suki ng suspek na si Bagwis.

Samantala, hinala ni PNP AIDSOTF Chief, S/Supt. Bartolome Tobias, baka napasok na rin ni Bendoval ang iba pang terminal sa ibang lugar sa Metro Manila para bentahan ng illegal na droga ang mga driver at konduktor. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *