Sunday , November 3 2024

Bading bugbog-sarado sa sadistang callboy

080814 bugbog abused

LUMULUHANG dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang 24-anyos bading makaraan babuyin at bugbugin ng isang callboy kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Namamaga ang labi dahil sa kagat, gula-gulanit ang bra at damit ng biktimang kinilalang si Daniel Lim alyas Beki, 25-anyos, ng M. Maysan, Brgy. Maysan, Valenzuela City.

Habang pinaghahanap ang hindi nakilalang suspek na mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Salaysay ng biktima, dakong 4 a.m. makaraan makipag-inoman sa kanyang mga amiga sa isang kilalang tambayan sa Monumento ay nakipagkilala sa kanya ang suspek.

Isinama aniya siya ng suspek sa isang maliit na bahay sa Sangandaan at doon sila nagsiping.

Ngunit pinahirapan aniya siya ng suspek at siya ay pinagkakagat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sapilitan din aniyang ipinagawa sa kanya ang bagay na hindi niya kayang sikmurain ngunit dahil sa bugbog ay napilitan siyang sundin ang suspek.

Nang makaraos ang suspek ay nagbantang may mangyayari sa kanya kapag umalis sa nasabing bahay.

Nang umalis ang suspek tangay ang kanyang cellphone ay tumakas ang biktima at nagsumbong sa himpilan ng pulisya.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *