Thursday , December 26 2024

‘Tong-pats’ sa parking lumobo pa ng P1.6-B (Sa plunder vs Binay)

080714_FRONT
HINDI lang P1.3 bilyon, kundi P1.6 bilyon ang overpricing o ipinatong na presyo sa pagtatayo ng kontrobersiyal na parking building ng Makati City Hall.

Ibinunyag ito kahapon ni Atty. Renato Bondal, ang abogadong nagsampa ng plunder case laban kina Vice President Jejomar Binay at anak na si Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay ng Makati.

Ayon kay Bondal nabisto niya ang dagdag na “tong-pats” nang ilabas kamakailan ng Commission on Audit ang report tungkol sa unang imbestigasyon sa kontrobersyal na Parking Building.

“Kung hindi dahil sa COA, hindi mabubuking na P1.6 bilyon pala ang kabuoang tong-pats na naikarga sa gastusin para sa pagpapatayo ng Makati City Hall Parking Building—ang pinakamahal na parking building sa buong mundo,” ani Bondal, lead convenor ng United Makati Against Corruption (UMAC).

“Dahil sa nadiskubre nating ito, aamyendahan ko ang reklamo sa Ombudsman at dadagdagan ko ang mga dokumentong ibibigay sa nasabing ahensya,” ani Bondal.

Sa naunang reklamong isinampa sa tanggapan ng Ombudsman nina Atty. Bondal at Nicolas “Ching” Enciso – imbes P245,558,248 ang halaga ng pagtatayo ng gusali, pinalabas na P1.560 bilyon nang itayo noong 2007.

Isinasaad sa sumbong, mayor pa si Vice President Binay nang panahong maganap ang anomalya ng bagong Makati City Hall Building 2 na binubuo ng 11 palapag, 5 palapag dito ang parking space.

May roofdeck ang gusali at mayroon din basement parking samantala ang anim na iba pang palapag ay inookupa ng mga opisina.

Alinsunod sa alegasyon nina Bondal at Encisco, “over-priced” nang mahigit P1.34 bilyon ang proyekto.

Konsehal noon ang kasalukyang alkalde ng Makati na si Mayor Junjun Binay.

Isinaad sa “charge sheet” na ang halaga ng konstruksyon ng gusali ay umabot sa P48,859 kada metro-kwadrado samantala ang tunay na halaga ng konstruksyon ng mga gusaling komersyal at iba pa sa lugar ay P7,691 kada metro-kwadrado lamang.

Nagsumite sina Bondal at Encisco ng estadistika mula sa National Statistics Office upang patunayan ang kanilang paratang.

Sa panayam kahapon, ipinaliwanag ni Bondal na kailangan niyang amyendahan ang naunang reklamo dahil lumabas sa COA report na mahigit P2 bilyon na ang nagagastos ng Makati City Hall sa pagpapatayo ng parking building.

Ayon kay Bondal, ang konseho ng siyudad ay nagpasa ng ordinansa noong Nobyembre 8, 2007 (2007-A-015) na inaprubahan ng nakatatandang Binay na naglaan ng P400 milyon para sa pagtatayo ng gusali.

Ito ay sinundan pa ng ibang mga ordinansa (No.2010-A-005; 2011-A-038; 2012-045 at 2013-016) na nagdaragdag ng pondo na nagkakahalaga ng P1.16 bilyon para sa proyekto.

Pero lumabas sa COA report na bukod sa nasa-bing mga ordinansa, may iba pang nakatagong ordinansa ang ipinasa ng konseho ng Makati mula 2007 hanggang 2013 para madagdagan ang gastos sa pagpapatayo ng Parking Building.

“Para sa Phase I hanggang Phase V ng proyekto, sinabi ng COA na umaaabot sa P2,367,679,633.95 ang kabuuang halaga na nagastos sa pagpapatayo ng kontrobersyal na building,” ani Bondal.

“Ibig sabihin, hindi lamang P1.3 bilyon ang tong-pats sa parking building, kundi mahigit sa P1.6 bilyon,” paliwa-nag ni Bondal.

Ani Bondal, hindi siya magtataka kung lolobo pa ang halaga sakaling madiskubre ng Ombudsman ang iba pang dokumento kaugnay sa nasabing plunder case.

Bukod sa mag-amang Binay, akusado rin ang mga konsehal na nagsilbi noong 2007 hanggang 2013, kabilang na sina Ferdinand Eusebio,

Arnold Magpantay, Romeo Medina, Tosca Puno Ramos, Maria Alethea Casal-Uy, Ma. Concepcion Yabut, Virgilio Hilario, Monsour Del Rosario, Vince Sese, Nelson Pasia, Salvador Pangilinan, Elias Tolentino, Ruth Tolentino, Henry Jacome, Leo Magpantay, Nemesio “King” Yabut, Armand Padilla, Israel Cruzado, Maria Theresa De Lara, Angelito Gatchalian at Erbesto Aspillaga. Ksama rin sa reklamo si COA Auditor Caganan.

HATAW News Team (May kasamang ulat ni MON ESTBAYA)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *