Sunday , November 3 2024

Tagapagtanggol ng katarungan ipinaaaresto ni Hagedorn

080614 atty toto causing
NANAWAGAN si Alab ng Mamamahayag (ALAM) national chairman Jerry Yap, sa ibang media organization na kondenahin ang pagpapaaresto ng isang maimpluwensiyang tao sa isang abogado na naglilingkod at nagtatanggol ng mga mamamahayag sa ngalan ng katarungan.

Ang panghihikayat ni Yap ay kaugnay ng arrest warrant na ipinalabas ng Puerto Princesa regional trial court (RTC) laban kay Atty. Berteni “Toto” Causing na sinampahan ng kasong libelo ni dating mayor at governor Edward Hagedorn kaugnay sa isang radio interview ukol sa kanyang 59 real properties.

Si Causing, dating editor ng People’s Tonight ng Philippine Journalists Inc., kasalukuyang presidente ng ALAM ay isa rin abogado.

Bagama’t private practitioner, maraming mamamahayag na walang kakayahang magbayad sa abogado ang natutulungan ni Causing lalo na kapag nadedemanda ng libel.

Gayon man, naniniwala si Causing na ang kasong libelo na isinampa ni Hagedorn laban sa kanya ay isang uri ng panggigipit at tahasang paglabag sa Bill of Rights na isinasaad sa Konstitusyon.

Aniya, “Nasilbihan ako ng warrant of arrest dahil isinampa ng piskalya ang kasong libelo laban sa akin, at ‘yun mismo ang ikinalulungkot ko, hindi na lang mga taga-media ang sinisikil ngayon. Pati kaming mga abogado na nagtatanggol sa mga mamamahayag sa ngalan ng katarungan ay ginigipit na rin sa pamamagitan ng kasong libel.”

Dahil mas lalong masusuong sa isang mapanganib na sitwasyon kung ikukulong siya sa Puerto Princesa, napilitan si Causing na magbayad ng piyansa sa tulong ng ilang kaibigan.

Matatandaan na minasama at nagalit si Hagedorn sa mga isinagot ni Causing sa mga tanong ng isang broadcaster na nag-interview sa kanya.

“Lahat ng isinagot ko ay base sa Complaint-Affidavit, Supplemental Complaint-Affidavit, Second Supplemental Complaint-Affidavit at Reply-Affidavit na isinumite ko sa Office of the Ombudsman laban sa dating mayor,” paliwanag ng abogado.

“Sa totoo lang, ikinampanya ko pa siya noong 2013 Senatorial Elections dahil naniniwala ako sa kanyang mga environmental agenda. Libelous ba kung sinagot ko ang tanong na ‘What would happen to Hagedorn if he failed to disclose his 59 real property?’ Totoo naman kung hindi niya maipaliliwanag ay hindi siya maliligtas.

Pero mas lalo pa umanong nagulat si Causing nang desisyonan ng Office of the City Prosecutor at investigating prosecutor ng Palawan na libelous ang nasabing sagot dahil gusto umanong palabasin ni Causing na hindi kayang ipaliwanag ni Hagedorn ang kanyang mga ari-arian.

Sinabi rin ng OCP na libelous ang opinyong lahat ng opisyal ay dapat na ideklara ang kanilang mga pag-aari sa SALNs.

“Kahit sinong walang alam sa kasong libel, magtataka,” dagdag ni Causing. “Nasa batas na lahat ng opisyal ng gobyerno ay dapat magdeklara ng SALN. May nakukulong pa nga at natatanggal sa pwesto dahil sa hindi pagdedeklara ng kanilang SALN. Halatang may niluluto ang OCP ng Puerto Princesa, at kung ano ‘yon, malalaman natin.”

Suportado ni ALAM national chairman Jerry Yap, ng pamunuan at mga miyembro ng ALAM si Causing sa kasong kanyang kinakaharap.

“Naniniwala kaming isa itong uri ng harassment,” ani Yap. “Wala silang maikaso kay Atty. Causing kaya ginawan nila ng paraang masampahan ng libel. Harassment ito at pagsikil sa freedom of the press.”

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *