Saturday , November 23 2024

P.1-M patong sa ulo ng rapist (Sa baby sa ilalim ng jeepney)

080714 arrest crime money pabuya

NAGLAAN ng halagang P100,000 bilang pabuya si San Juan City Mayor Guia Gomez sa sino mang makapagtuturo sa suspek na gumahasa at pumatay sa isang sanggol na babae na iniwang walang buhay sa ilalim ng jeep sa nabanggit na lungsod.

Kaugnay nito, inilibing na kahapon sa Pasig City Public Cemetery ang labi ng biktimang si Baby Geraline Cortes, isang taon gulang.

Lumilitaw sa autopsy report na may blunt traumatic injury sa tiyan ng bata na ikinasugat ng kanyang atay, at hinihinalang ginahasa muna bago pinatay.

Libreng serbisyo ang ipinagkaloob ng Funeraria Quiogue para sa burol at paglilibing sa biktima.

Habang pinagkalooban ng pamasahe ng ilang NGOs at TV network ang mga magulang ng biktima na sina Geraldine Cortes, 26, at Ariel Cortes, 44, upang makauwi na sa Cebu dahil wala silang permanenteng tirahan sa lungsod.

Ngunit bago umuwi ang mag-asawa ay magkakaroon muna ng close door meeting kasama ang San Juan Police para sa desposisyon ng kasong pagpatay sa kanilang anak.

(ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *