ni Roldan Castro
FEELING namin mahigpit ang labanan ng dalawang finalists ng Himig Handog P-Pop Love Songs 2014. Ito’y ang Pare, Mahal Mo Raw Ako ni Michael Pangilinan (sa komposisyon ni Joven Tan) at Hanggang Kailan ni Angeline Quinto na isinulat ni Joel Mendoza.
Naaliw kami habang pinakikinggan ang kanta ni Michael. Kakaiba ito at magugustuhan ng mga beki. Tungkol ito sa isang guy na may gusto sa kanya ang kaibigan niyang gay. Sinasabi niya na walang mababago sa relasyon nila, pero hanggang kaibigan lang.
Noong 2013 ay grand prize sa Himig Handog ang isinulat ni Joven na Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa na kinanta ni Aiza Seguerra.
Masungkit kaya ulit ni Joven o mabibigyan ng chance si Joel na first time na lumahok sa naturang competition?
Bumagay kay Angeline ang kantang Hanggang Kailan na bagay na bagay na theme song sa pelikula o teleserye. Gustong-gusto ni Angeline ang love story behind the song at nakare-relate raw siya.
Sey nga ni Joel, ”I’m so grateful to the Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 for letting the Queen of Teleserye Theme song , Ms. Angeline Quinto, to interpret my song ‘Hanggang Kailan’. It’s truly an amazing experience to work with Angeline , with her humility, humor and vocal prowess. She gave her 150% to give life to this song!”
Bongga!
Angeline, dream makapag-concert sa Araneta!
HAWAK talaga ni Angeline Quinto ang titulong Queen of Teleserye Theme Songs. Pero bakit hindi na nasundan ang serye niyang Kahit Konting Pagtingin?
Bakit ‘di siya gumagawa ng teleserye? May mga offer naman daw pero prioridad niya talaga ang pagkanta. Dream niya kasi na umabot siya at makapag-concert sa Araneta Coliseum. Lagi niyang ipinagdarasal na umabot siya sa ganoong kalaking venue pero hindi pa sa taong ito dahil marami pa siyang raket sa labas.
Talbog!