Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Good Samaritan binoga ng 2 kelot bebot kritikal

KRITIKAL ang kalagayan ng isang babae makaraan masapol ng ligaw na bala sa leeg nang mamaril ang dalawang lalaki nang maharang ang kanilang sasakyan ng tricycle na minamaneho ng isang ‘Good Samaritan’ sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw.

Ginagamot sa Quezon City General Hospital ang biktimang si Nora Del Monte, 42, vendor, residente ng #23 Old Cabuyao St., Novaliches, Quezon City.

Habang maswerteng hindi tinamaan ng bala ang ‘Good Samaritan’ si Arnesto Buenaventura, 36, tricycle driver, ng 5140 Doña Marciana Subdivision, Brgy. Ugong ng nasabing lungsod, na siyang target ng mga suspek.

Agad naaresto ng mga awtoridad ang dalawang suspek na sina Randy Velus, 32, at Aljun Vargas, 19, driver, kapwa residente sa #158 Golden Tower St., Quezon City.

Sa ulat ni  PO3 Michael Oxina, naganap ang insidente dakong 5:20 a.m. sa tapat ng garahe ng mga truck sa C-5 Ext., Brgy. Ugong ng nasabing lungsod.         Isang truck ang hindi makapagmaniobra dahil sa sikip ng kalsada kaya tinulungan ni Buenaventura para mabilis na makaraan ang ibang mga sasakyan.

Pero hindi agad nakaraan ang Isuzu Elf na minamaneho ng suspek na si Vargas kaya pinagmumura si Buenaventura.

Hanggang bumunot ng baril si Velus at pinaputukan si Buenaventura ngunit hindi tinamaan.

Sa ikalawang putok, minalas na tinamaan si Del Monte sa leeg habang nakaangkas sa motorsiklong minamaneho ng kanyang live-in partner.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …