Sunday , November 3 2024

Distressed OFW mula Saudi nagbigti

LAOAG CITY – Nagbigti ang isang fistressed overseas Filipino worker (OFW) makaraan umuwi sa kanyang pamilya mula sa Saudi Arabia.

Ayon kay Barangay Chairman Melecio de los Santos ng Brgy. Darasdas, Solsona, mula nang manggaling sa Saudi si Clarence Concepcion, tubong Solsona, Ilocos Norte, ay hindi na lumalabas sa kanilang bahay at hindi na rin umiimik.

Base sa mga kuwento ng ilang kapitbahay, si Concepcion ay umuwi mula Saudi makaraan mahulog sa pinagtatrabahuang construction company at nabagok ang kanyang ulo.

Gayon man, hindi makompirma kung nagkaroon ng diperensiya sa utak dahil sa pagkakabagok maliban sa hindi masyadong pagsasalita ng biktima.

Kung magsalita man anila ay napapaiyak at sinisisi ang sarili sa pagkamatay ng kalilibing lamang na ama.

Labis din ang kalungkutan ng asawa ni Concepcion na nasa Malaysia nang mabalitaan ang nangyari sa kanyang asawa.

Si Concepcion ay natagpuang nakabigti sa loob ng kanyang kwarto.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *