Sunday , November 3 2024

Batas sa savings pangontra sa SC ruling (Palasyo aminado)

AMINADO ang Palasyo na kaya nila inihirit sa Kongreso na gumawa ng batas na nagtatakda ng kahulugan ng “savings” sa pambansang budget ay upang mabalewala ang desisyon ng Korte Suprema na unconstitutional ang Disbursement Acceleration Program (DAP) ng administrasyong Aquino.

“The SC described the beneficial effects of DAP but at the same time stated that the Executive Dept.’s take on savings was wrong, how do we then remedy it or how do we ensure the beneficial effects to continue? The answer is if we want the positive effects to continue, then the Congress must redefine savings to ensure the beneficial effects continue,” paliwanag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Ngunit iginiit ni Lacierda na hindi nila sinusuwag ang Korte Suprema dahil ang prinsipyo ng “checks and balances” ay pinahihintulutan na ituwid ang pagkakamali, kahit pa pinaninidigan ng Palasyo na wasto ang DAP.

“It is not circumvention because the principle of checks and balances precisely allow such a remedy,” depensa pa ni Lacierda sa paghingi ng saklolo ng Palasyo sa Kongreso .

Nauna nang inihayag ni Budget Secretary Florencio Abad sa budget hearing sa Kongreso na ang Kongreso lang ang may mandato na magbigay ng kahulugan sa “savings” hindi ang Korte Suprema.

“We go to Congress because inasmuch as Congress exercised its lawmaking power to define savings. It also has the power to redefine savings to preserve the gains and to give statutory basis for the Executive Dept. to implement projects covered by savings,” sabi ni Lacierda.

Magugunitang sinabi ni Korte Suprema na nilabag ng administrasyong Aquino ang 1987 Constitution nang kolektahin ang “savings” ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at ipinamahagi ito sa mga mambabatas para pondohan ang mga proyektong hindi inaprubahan sa pambansang budget.

Anang Kataas-taasang Hukuman, pwede lamang ideklara ang “savings” sa katapusan ng fiscal year, kapag ang layunin ng mga pondo ay nakamit o hindi na kailangan ang mga pondong ito.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *