GINAWANG high-speed hot tub ng isang grupo ng McMaster University grads ang 1969 Cadillac Coupe DeVille.
Binigyan ng trio ng McMaster University engineering graduates ng bagong kahulugan ang terminong “carpool.”
Muling ginawa nina Duncan Forster, 38, Alex Saegert, 40, at Phillip Weicker, 35, ang kanilang proyekto mula sa kanilang
university days upang makipagkarera lulan ng hot tub car sa Utah.
Ayon sa trio, ang kanilang ideya na pag-construct ng behikulo na may hot tub ay nagsimula noong 1996 sa “abandoned car, a keg of beer, and a quote from Ernest Hemingway —‘Always do sober what you say you’d do drunk, that’s the only way you’ll learn.’”
Ang kotse ay ang lumang 1982 Chevy Malibu na iniwan ng dating may-ari sa Hamilton home ni Forster.
Habang nag-iinoman, iminungkahi ng kaibigan ni Forster na gawing hot tub car ang Chevy. Kinabukasan ay ganito nga ang ginawa ni Forster.
Sa limitado nilang budget, binuo nila ang sasakyan sa pamamagitan ng bigay na spare parts at kung ano ang mabibili ng kanilang ipon.
“It was a bit of an abomination because it barely ran and it leaked,” aniya. “We painted it with white latex paint, but we got it to run.”
Makalipas ang pitong taon, sinubukan nilang muling gawin ang proyekto sa pamamagitan ng 1969 Cadillac Coupe DeVille na kanilang nabili sa eBay sa halagang $800.
Sa kasalukuyan, nakagastos na sila ng $20,000 halaga sa nasabing kotse.
Anila, dadalhin nila ang sasakyan sa Bonneville Salt Flats na nagkakarera ang quirky racing enthusiasts.
“Nobody’s ever gone 100 miles per hour in an open-air self propelled hot tub while sitting neck-deep in soothing warm water,” anila. “We aim to correct that mistake of history this August.”
Determinado silang makuha sa nasabing paligsahan ang titulong world’s fastest hot tub. (http://www.thestar.com)