Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

14 katao sugatan sa banggaan ng bus at jeep

080714 road accident

SUGATAN ang 14 pasahero nang magbanggaan ang bus at pampasaherong jeep sa Makati City kahapon ng umaga.

Nabatid na minor injuries lamang ang dinanas ng mga biktimang agad isinugod sa pagamutan.

Base sa report ng Makati City Traffic Bureau,  naganap ang insidente pasado 6 a.m. sa panulukan ng Ayala Avenue at EDSA ng naturang lungsod.

Ang nagsalpukan ay pampasaherong jeep (NVE-969) at Claro Bus Trans (UYE-279).

Sa inisyal na ulat, sinasabing nagpumilit tumawid ng EDSA kahit naka-red light, ang naturang jeep kaya’t nasapol nang umaarangkadang bus.

Isinasailalim na sa imbestigasyon ang driver ng jeep at driver ng bus habang hinatak ang kanilang sasakyan patungong Makati City Traffic Center.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …

Ping Lacson Martin Romualdez

Lacson: ‘hindi enough’ testimonya ng mga saksi laban kay Romualdez

AMINADO mismo si Senator Panfilo “Ping” Lacson na hindi sapat ang testimonya ng mga saksi …