MEDIOCRE actor ang bagong bansa kay Richard Yap ngayon. Palagi raw kasing maayos ang mukha niya na nagpapa-cute lang naman. Ni hindi man lang nagugusot ang damit niya ‘pag nasa harap ng camera. Very neat ang dating niya na hindi naman niya kasalanan.
Ang mga detractor ni Yap ay magugulat ngayon dahil kunukuha siya ng Malaysia para gumawa roon ng teleserye tulad nina Jericho Rosales at Christian Bautista.
Sabi ni Richard, “Why not, kung kukunin nila akong talaga. Carrer move ito kaya dapat ko lang i-grab.”
Ipinapalabas kasi sa Malaysia ang Be Careful with My Heart at marami na ting fans si Richard doon. ’Yon ang naging dahilan kung bakit interesado ang producers ng Malaysia na kunin siya. Baka sa teleserye nila, hindi na siya maging “mediocre actor”.