KUNG nais malaman, ito ang hitsura ng 112-anyos na hamon. Parang pinatuyong balat, nabubulok, at hindi kaaya-ayang kainin.
Nadiskubre ang hamon, na pina-preserve noong 1902 pa, sa likod ng storage room ng Virginia-based Gwaltney foods company. Ito ay ibinigay bilang donasyon sa Isle of Wight County Museum sa Smithfield, Virginia. Naka-display ito ngayon sa isang special case para hindi amagin at salakayin ng mga kulisap at insekto. Kamakailan ay nagbigay ng ika-112 kaarawang pagdiriwang ang museo para sa hamon bilang parangal.
Puwede pa rin kainin ito, ulat ng Wall Street Journal, ngunit kung masarap ito ay ibang usapan. At nagbunsod din ito ng iba pang katanungan: Ano pang mga pagkain ang puwedeng kainin makalipas ang mahabang panahon?
Thousand-Year-Old Eggs
Ang thousand-year-old eggs ay hindi aktuwal isang libong taon ang edad. Pero ang mga ito ay ‘cured’ sa putik, abo at sosa (lye) ng ilang buwan. Ito ang dahilan kung bakit ang puti ng itlog ay nagiging kulay kalawang, o translucent brown, at ang gitna nito o yolk ay pinaghalong dilaw, berde at asul.
Cheddar Cheese
Karamihan ng mga cheddar na makikita natin sa supermarket ay may edad lamang na ilang buwan, ngunit may ibang mas matanda at umaabot nang dekada ang edad, sa ganitong paraan ay sumasarap ang lasa nito. Ang pinaka-extreme na halimbawa ang 40-anyos na bloke ng keso, na nakalimutan sa isang walk-in-cooler ng ilang henerasyon. Nakagugulat na puwede pa rin itong kainin.
Steak
Kasama sa dry-aging process nito ang 28 araw na pagbitin ng karne sa isang climate-controlled na silid. Pero may ilang nais na labian pa ito: halimbawa na ang Eleven Madison Park sa New York City, na pinatutuyo ang kanilang rib eye sa loob ng 140 araw. “Nagkakaroon ng indelible flavor ang karne,” ayon kay Francis Lam sa kanyang artikulo sa Bon Appétit.
Coffee Beans
Ang pagpapatanda ng coffee beans ay “nag-e-emphasize ng body at nagbabawas sa acidity ng hanggang zero,” ani Corby Kummer sa kanyang artikulo sa The Joy of Coffee. “Wala nang lilinamnam pa sa aged coffee.” Ang iba, tulad ng oak barrel-aged Sumatra beans mula sa coffee company na Water Avenue, ay pinaeedad nang hanggang anim na buwan.
Tsaa
Hindi lahat ng tsaa ay pinapa-edad, “su-balit may mga oolong, black at Pu-erh tea na tumatanda para lalong sumarap,” ulat sa The Tea Enthusiast’s Handbook, na naglalarawan sa lasa ng may edad na mga tsaa bilang “mellow,” “rounded,” at “rich.” Ang Red Blossom ay nagbebenta ng mga tsaa na mahigit 40 taon ang edad, tulad ng ‘Aged Wenshan Baozhong’ na gawa mula sa mga dahon pinitas noong 1973 sa modern-day Taiwan.
Balsamic Vinegar o Suka
Ang tuna na balsamic vinegar ay kinakailangang may minimum na edad na 12 taon, ngunit maraming mga suka sa mer-kado ang mas matanda pa rito. Halimbawa ang balsamic vinegar na pina-edad ng 100 taon sa online vendor na Worlds Foods.
Toyo
Lahat ng toyo, na by product ng fermented soybeans at wheat inihalo sa tubig-alat, ay pina-edad ng at least ay anim na buwan, pero mayroon din isang taon ang edad na mga toyo sa merkado. Mayroon pa nga na umaabot sa 20 taon na ayon sa mga gumagawa nito, nagbibigay ng mahabang aging process ng kakaibang lasa sa kanilang suka. Nagbebenta rin sila ng per bottle nito na umaabot sa US$100 kada botelya ng 20-year-old.
Kinalap ni Tracy Cabrera