GENERAL SANTOS CITY – Labis na natuwa ang Bureau of Internal Revenue-SarGen nang lumampas sa target quota na P192 milyon ang nakolektang buwis.
Ito’y nang umabot sa P215 milyon ang kabuuang nakolektang buwis para sa buwan ng Hulyo.
Ayon kay Venerando Homez, revenue district officer ng BIR-SarGen, malaki ang naiambag sa naturang koleksyon ang P80 milyon na ibinayad ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao.
Samantala, patuloy pang ina-asses ng BIR ang isinumiting dokomento ni Pacquiao galing sa Internal Revenue Service (IRS) sa Amerika.
Sinasabing noong Hunyo pa naisumite ni Atty. Noynoy Roxas, abogado ni Pacquiao, ang naturang mga dokumento.
Matatandaan, sinisingil ng BIR ang Sarangani solon ng P2.2 bilyon dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.