SA pabago-bagong panahon, madalas magkaroon ng sipon ang mga tao. Kaya sumubok ang tips na ito para malabanan ang nasabing sakit.
*Kumain nang masustansya – Mga prutas at gulay, lalo na ang immune-system boosters katulad ng citrus fruits, carrots, at spinach, gayundin ang beans, garlic at mga pagkaing mayaman sa Omega-3 fatty acids. Kung kagagaling mo lamang sa sipon at ubo, kumain ng “hot foods” katulad ng radish at cayenne pepper upang matanggal ang bara sa ilong at para mapabilis ang pagsigla ng iyong katawan.
*Palaging maghugas ng kamay – Labanan ang mga mikrobyo sa pamamagitan ng madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at agad itong tuyuin. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig kung posible, upang ang mikrobyong maaaring nasa iyong mga kamay ay hindi makarating dito na posibleng magresulta sa iyong pagkakasakit. Kung ikaw ay nagtatrabaho sa opisina, huwag ipahihiram ang cellphones sa mga katrabaho upang makaiwas sa pagkahawa.
*Mag-relax at mag-meditate – Kapag tayo ay stressed, ang ating katawan ay matamlay kaya higit na lantad sa virus ng sipon at ubo. Magpraktis ng meditasyon ng kahit sampung minuto kada araw at gawin ang ano mang nais upang ikaw ay ma-relax.
*Palakasin ang immunity sa lunch-time walk. Kung maalinsangan, lumabas upang makalanghap ng sariwang hangin. Sa paraang ito ikaw ay makakapag-ehersisyo sa pamamagitan ng paglalakad na magpapalakas ng iyong immunity.
*Sapat na tulog – Palakasin ang immunity sa pamamagitan ng sapat na pahinga at pagtulog, at magising na masigla sa umaga.
Lady Choi