ni Roland Lerum
SABI ni James Yap, hindi totoo ang tsismis na magpapakasal sila ng nobya niyang si Michaela Cazzola sa Italy sa one month nilang bakasyon doon. “Isang taon akong puro trabaho at heto, one month lang akong magpapahinga muna,” sabi niya sa isang interbyu.
Pagkakataon din daw na mapatingnan niya ang kanyang likod dahil mayroon siyang backache na dinadama. At ano ‘yung balitang naghahanap daw siya ng bahay ngayon? Doon na ba sila titira ng girlfriend niya pagkatapos magpakasal?
“Naghahanap lang ako ng bagong bahay namin, pero hindi naman sign ‘yon na magpapakasal na ako. Ayoko munang magpakasal kasi ang hirap ’pag na-annul, ‘di ba?” diin niya.
Nag-iingat na nga lang siguro si James at ang gusto ay makasiguro sa babaeng makakasama habambuhay.