ni John Fontanilla
PABIRONG ikinuwento ni Richard Gomez ang newest game show host ng TV5 via Quiet Please! Bawal Ang Mag-ingay! na mapanood na simula August 10, 8:00 p.m.. na sana raw noong bata siya ay hindi na siya nag-ingat para marami siyang anak.
“Alam mo, noong binata ako, siyempre may kaunting kalokohan. Natatakot ka, baka makabuntis ka.
“Tapos ‘pag may asawa ka na, ang hirap pala (magkaanak), ‘no? Then, iisipin mo, sana pala hindi ako nag-ingat noon!” pabiro nitong pahayag.
Hindi naman itinatago ni Richard na ang pagka-gusto nitong magkaroon ng anak at para masundan na rin si Juliana na 13 years old na, lalong- lalo na ang anak na lalaki. ”Paano kasi, kung hindi ako nagkaanak ng lalaki, wala nang Gomez. End of the line ako.
“Hindi namin alam kung anong gagawin naming steps, if we’re going to see a doctor!
“Pero kasi kami ni Lucy, some two or three weeks ago, nag-usap kami. ‘Let’s try one more time’.
“Siguro, at this point, we’ll try or maghe-help kami ng advice sa doctor,” pagtatapos ni Goma.
PAGPAPALABAS NG IBONG ADARNA SUPORTADO NG NPC!
”GINAWA namin ang ‘Ibong Adarna’ para ma-remind ang mga kabataan tungkol ditto at kung gaano kaganda ang istorya nito,” ito ang paunang pahayag ng director ngIbong Adarna na si Direk Jun Urbano sa mini-presscon na ginanap sa National Press Club.
“Hindi namin ginawa ang ‘Ibong Adarna’ para kumita ngmalaki. Para sa amin kumita lang ng kaunti okey na. Pero if kikita ng mas malaki mas maganda kasi may kasunod na pelikulang puwede kaming gawin ulit.
“Pero this time ginawa namin na imbes na tatlo ang Prinsipe isa na lang ang Prinsipe na inilagay namin dito na ginampanan ni Roco Nacino at wala rin kaming inilagay na love interest niya.”
Bukod sa Ibong Adarna ay marami pa raw na sumasailalim sa Kulturang Filipino ang gustong gawin ni Direk Jun katulad ng Rajah Soliman at Juan Tamad at mangyayari lang daw ito kapag kumita kahit paano ang Ibong Adarna.
Suportado ng NPC ang pagpapalabas ng Ibong Adarna na mapapanood na sa mga sinehan sa Setyembre. Bukod kay Rocco kasama rin sa cast ng Ibong Adarna ang mga award winning actors na sina Angel Aquino, Joel Torre, Leo Martinez, Lilia Cuntapay, Ronnie Lazaro, at sina Gary Lising, Karen Gallman , Kohol , Benjie Paras, at Pat Fernandez mula sa produksiyon ng Gurion Entertainment.