Sunday , November 3 2024

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 53)

00 diary pogi

BARKING UP THE WRONG TREE NGA ANG TATLONG DABARKADS

“Lahat kayo… Pati ‘tong si Atoy ko… Kumbaga sa kawikaang Kano, e ‘Parking at da rong tri’ kayo,” paglilinaw ni Justin — na ang ibig talaga niyang sabihin ay “Barking up the wrong tree” daw kaming magkakatropa sa usapin ng panliligaw kay Meg.

“A-ano’ng ibig mong sabihin?” pautal kong naitanong sa aking kababata.

“‘Di ko na siguro kailangan pang ipamukha sa inyo ang dapat n’yong malaman tungkol kay Meg… Hayan siya…” pagngunguso ni Justin kay Meg na lumalabas sa gate ng kanyang tirahan.

Sabay-sabay kaming napatingin kay Meg. Nakasapatos na de-goma siya. Naka-maong pants. Matingkad na pula ang suot na polo. At maigsi ang buhok sa gupit binata.

Palagay ko, “barking up the wrong tree” talaga kaming tatlong dabarkads!

Ex-Sakristan

Apat kaming estudyante ng Uste na nagkasama-sama sa isang silid ng boarding house sa Sampaloc area. Sa mga boarmate ko, kay Taba-Choy ako naging malapit. Mabait naman kasi si-yang talaga. Tingin ko nga sa kanya noong una ay halo na lang sa ulo ang kulang at isa na si-yang santo.

Roberto ang tunay na pangalan ni Taba Choy. Ang palayaw niya ay Bobby. Pero ayaw niyang magpatawag ng “Bobby” dahil sa pagbigkas ng mga salbaheng dila ay sinasadyang ma-ging katunog ng “baboy.” Robert ang gusto niyang itawag sa kanya ng mga kaibigan at kakilala.

Siya ang nagbubukas ng gate sa akin kapag ginagabi o inuumaga ako ng uwi sa tinutuluyan naming boarding house. Nauutangan ko rin siya kapag kinapos na ako sa budget. At imagine, sa taas na 5’9” at lapad ng kanyang katawan ay napasusunod ko siya na buksan ang gate ng boarding house na inuuwian namin kapag gina-gabi o inuumaga ako ng uwi. Dati, bago ako makapasok doon ay nagte-text o tumatawag pa muna ako sa cellphone niya. Pero nang magtagal, kapag nag-miss call na ako sa mga alanganing oras ng gabi ay nagkakaintindihan na kaming dalawa.

Sa halos isang taon na pagiging boardmates namin ni Taba Choy ay marami na kaming alam sa pagkatao ng bawa’t isa sa amin.

Promdi siya na gustong magtapos ng Accountancy.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Prestone

 A New Era of Vehicle Protection is Here with Prestone’s 5X Superior Protection Guaranteed

The #1 Brake Fluid and #1 Coolant in the Philippines unveils the new look of …

Puregold Masskara Festival

Mga kilalang OPM artist nakipista sa Bacolod Puregold MassKaravan at Concert

SAMA-SAMANG dinala ng mga hip-hop icon na sina Skusta Clee at Flow G at PPop megastar na SB19ang panalo spiritsa Puregold …

DOST Region 02 Expands STARBOOKS Access in Sto. Tomas, Isabela

DOST Region 02 Expands STARBOOKS Access in Sto. Tomas, Isabela

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 continues to expand its STARBOOKS program …

Ysabel Ortega Miguel Tanfelix Rhea Tan Sofia Pablo Shaira Diaz Beautederm Belle Dolls

Miguel mala-Ken Doll sa Belle Dolls launch

RATED Rni Rommel Gonzales NAGMISTULANG Ken Doll si Miguel Tanfelix sa piling ng tatlong Barbie Dolls na …

PlayTime Binibining Pilipinas

PlayTime binigyang papremyo mga nagwagi sa Binibining Pilipinas

NAGKALOOB ng papremyo ang PlayTime, lumalagong online gaming entertainment platform, sa mga kandidato ng Binibining Pilipinas na nanalo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *